Hukom sa VP Sara grave threats case hindi bumitaw

Hukom sa VP Sara grave threats case hindi bumitaw

PHOTO: Facebook/Inday Sara Duterte

IBINASURA ng korte ang mosyon ng kampo ni Vice President Sara Duterte na bumitaw ang hukom na humahawak ng kasong grave threats ng pangalawang pangulo.

Ang desisyon ni Judge Maria Angelica De Ramos, ng RTC Branch 98, ay kinumpirma ni Atty. Paul Lawrence Lim, abogado ni Duterte.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Lim na gagawa pa rin sila ng mga legal na pamamaraan matapos ang desisyon ng hukuman.

Baka Bet Mo: Yaman ni VP Sara lumubo umano ng higit 1,200% mula nang pasukin ang gobyerno

Kasabay nito, ibinahagi ni Lim ang utos ng korte sa dalawang partido na sumunod sa sub judice rule, na nagbabawal na pag-usapan sa publiko ang mga merito ng kaso.

Bukod dito, pinagbawalan din ang dalawang panig na pag-usapan sa publiko ang mga usapin na may kaugnayan sa kaso.

Ayon pa kay Lim dahil nirerespeto ni Duterte ang batas, susunod sila sa mga direktiba ng korte.

Nag-ugat ang kaso ni Duterte sa umano’y pagbabanta niya kina Pangulong Marcos Jr., First Lady Liza Araneta – Marcos at Leyte Rep. Martin Romualdez sa isang online press conference noong 2024.

The post Hukom sa VP Sara grave threats case hindi bumitaw appeared first on Bandera.

Source link