ILANG beses nag-pregnancy test ang Kapuso star na si Glaiza De Castro para masigurong buntis na nga siya.
Hindi agad naniwala ang premyadong aktres na pregnant na siya sa unang pag-try niyang mag-test.
Nag-share si Glaiza ng ilang mahahalagang detalye sa kanyang pregnancy journey sa guesting niya recently sa “Fast Talk with Boy Abunda.”
“Hindi siya nag-sink in agad. Parang siguro I had mga five pregnancy tests.
“Kasi hindi ako makapaniwala. And at the time, wala po si David nasa Ireland,” simulang pagbabahagi ng aktres.
Chika pa ni Glaiza, bumalik siya sa Ireland dahil may family trip ang asawa niyang si David Rainey. One week daw siyang delayed sa kanyang kabuwanan, na hindi madalas mangyari.
“Nu’ng lumabas ‘yung resulta na nag-positive, may dalawang linya. Tinitingnan ko lang. Tapos nandu’n lang ako sa kama ko. ‘Totoo ba ito?’” natatawang kuwento ni Glaiza.
Baka Bet Mo: Angelica Panganiban napamura nang malamang buntis si Glaiza de Castro
Patuloy pa niya, “Hindi talaga siya parang soap opera. Lahat ng mga ginawa ko sa soap, hindi ‘yun ‘yung nangyari sa totoo buhay.
“Kumbaga stunned. I was so stunned. And I couldn’t believe kung ano ‘yung nakikita ko,” aniya pa.
Of course, ang una niyang sinabihan na buntis na siya ay si David kasunod ng pagpapakonsulta niya sa kanyang OB-Gyne.
“Nu’ng tumatawag na siya, nanginig na ako, Tito (Boy). Nanginig ako, parang, ‘Oh my God! Tumatawag siya.’ Tapos, nu’ng tinawagan niya ako, sabi niya sa akin, ‘Congratulations!
“(Sabi ko) Napakagandang balita naman ito. Ang gandang sorpresa naman itong binigay mo sa akin,’” ang sey pa ni Glaiza nang makausap ang kanyang OB.
Nauna rito, sinabi ni Glaiza na “disappointed” ang kanyang OB-Gyne sa mga nakaraang resulta.
“Because hindi ‘yun ‘yung in-expect niya. Kumbaga may kailangan kaming baguhin sa lifestyle namin.
“Like ako, medyo mataas ‘yung cholesterol ko. Ganu’n. Parang in a way, medyo bumaba ‘yung hope niya na magiging natural pa ‘yung pagko-conceive,” saad pa ng aktres.
“Nu’ng nalaman ko, nu’ng nag-compute ako kung kailan ako due date, January, du’n ako naiyak.
“Kasi sabi ko, ‘wow, what a wonderful gift.’ Kasi answered prayer talaga siya, na matagal na namin pinagpe-pray. Tapos nu’ng finally, nalaman ko na birth month ko siya isisilang. In a way, magkabuwan kami,” excited pang sabi ni Glaiza.
Inalala rin ni Glaiza ang mga struggles at challenges sa first trimester ng kanyang pagbubuntis, “Rollercoaster of emotions po talaga. Mahirap po.”
Ito rin daw yung panahon na ginagawa niya ang “Virgin Labfest”, ang kanyang theater debut.
“Nagta-travel ako from Quezon City to CCP twice a week. And I was really struggling.
“Tapos pinagpe-pray ko na sana wag akong…mag-faint sa stage or magsuka sa stage. Kasi before and after ko po nararamdaman ‘yung pagod, ‘yung morning sickness,” ang pagbabahagi pa ni Glaiza.
The post Glaiza de Castro 5 beses nag-pregnancy test: Hindi ako makapaniwala! appeared first on Bandera.
