PAK na pak ang kauna-unahang full-length film ng Cup of Joe vocalist na si Gian Bernardino, ang Philippine adaptation ng hit Thai movie na “Pee Mak.”
Aminado si Gian na dream talaga niya ang maging artista at makagawa ng mga pelikula at sa wakas, tinupad na nga ito ng Viva Films.
Bago pa man daw siya mapasabak bilang singer-songwriter, pangarap at fantasy na raw talaga niya ang umakting sa harap ng mga camera at makasama ang mga sikat at magagaling na artista.
Kaya naman todo ang pasasalamat niya sa Viva Entertainment dahil napili siya para maging bahagi ng “Pee Mak” na pinagbibidahan ng phenomenal loveteam nina Bea Binene at Wilbert Ross.
“It’s exactly what I imagined. Nu’ng bata pa ako, fantasy ko lang ’yong mga ganyan, eh. Talagang kahit anong ipagawa nila sa akin, gagawin ko,” sey ng Cup of Joe frontman sa naganap na mediacon ng “Pee Mak” last September 16.
In fairness, agaw-eksena nga si Gian sa ipinalabas na scene drop sa presscon kung saan may prosthetics sa kanyang face dahil kinagat ng putakti ang karakter niyang si Bunak.
Tawa nang tawa ang mga nasa presscon sa naturang eksena kaya naman marami ang nag-comment na natural daw ang pagiging komedyante ni Gian.
Kuwento ng singer-actor, mahigit isang oras daw ang iginugol niya sa paglalagay ng prosthetics at tatlong oras siyang walang makita sa kaliwang mata para lang magawa ang eksena.
Baka Bet Mo: Gian Bernardino ng Cup of Joe: Feeling ko ang hirap kong maging partner!
Pero wala raw reklamo si Gian sa challenge na ito, “Bigay na bigay talaga lahat, every single time, kaya mahahawa ka sa energy nila. At sobrang gagaan nilang kasama at katrabaho.”
Bago maging bahagi ng Pee Mak, matatandaang pumirma si Gian ng solo talent at film contract sa Viva Artists Agency (VAA) at Viva Films nitong June, pitong taon matapos pumirma ang kanyang bandang Cup of Joe sa Viva Records.
Nag-renew din ang banda ng kontrata nito sa nasabing mainstream music label nitong May.
Bukod kay Gian, kasama rin sa movie sina Jairus Aquino, TJ Valderama, at Vandolph, mula sa direksyon ni Victor Villanueva.
Ang supporting cast na makikigulo at magdadala ng higit pang kasiyahan ay ang mga kilalang komedyante na sina Janno Gibbs, na gumaganap bilang isang albularyo, at Candy Pangilinan bilang si Marites, isang lasenggang tindera ng mga alak.
Kasama rin dito si Jerome Ponce, bilang si Dodong, ang anak ni Marites na may gusto kay Pee-Nang ngunit tinanggihan siya nito.
Showing na sa mga sinehan nationwide ang “Pee Mak” simula October 14.
The post Gian Bernardino ng Cup of Joe natupad ‘fantasy’ sa ‘Pee Mak’ ng WilBea appeared first on Bandera.
