ITINUTULAK ngayon ni Sen. Mark Villar ang mandatory free Health Maintenance Organization (HMO) coverage sa lahat ng mga kawani ng gobyerno.
Ipinaliwanag ni Villar na layon ng kanyang panukala na mapabuti pa ang pagbibigay ng serbisyong-medikal at pangkalusugan sa mga kawani at mabigyan proteksyon ang mga kawani at kanilang pamilya sa malaking gastos ng medical emergency.
“Ang ating mga kawani ng pamahalaan ay mahalagang katuwang sa pagsusulong ng kaunlaran at paghahatid ng serbisyo publiko.
“Nararapat lamang na matiyak ang kanilang kalusugan at kapakanan, lalo na sa panahon ng pagkakasakit at mga medikal na emergency,” sabi ng senador.
Baka Bet Mo: Villar: LIGTAS Act para sa mga paaralan kailangan na!
Binanggit ni Villar na hindi sapat ang “Philhealth coverage” sa hospital confinement, pagpapagamot at iba pang gastusin.
Nais nito na maging “standard benefit” na sa mga kawani ng gobyerno ang pagkakaroon ng health o medical insurance.
“Ang pangangalaga sa kalusugan ng ating mga lingkod-bayan ay pamumuhunan sa kinabukasan ng ating bansa.
“Kapag may maaasahan silang serbisyong pangkalusugan, mas makapagtutuon sila sa kanilang tungkulin sa taumbayan,” giit ng senador.
The post Free health insurance sa goverment workers isinulong ni Villar appeared first on Bandera.
