“FAVE souvenir shirt last trip (tennis ball emoji),” ito ang caption ni Isabel Reyes Santos sa ipinost niyang white shirt sa kanyang Instagram account kagabi.
Si Isabel ang ex-girlfriend ni John Lloyd Cruz. Tumagal ang relasyon nila ng limang taon dahil nagsimula sila noong 2021.
Inamin naman ito ng aktor sa panayam niya sa “Fast Talk with Boy Abunda” taong 2023 at ngayong 2026 naman nabalitang hiwalay na ang dalawa.
Walang kumpirmasyon mula kay John Lloyd sa balitang wala na sila ni Isabel at wala rin siyang sagot sa mga ipino-post ng dating karelasyon.
Baka Bet Mo: Trulili ba, John Lloyd Cruz, Isabel Santos naghiwalay dahil sa pera?
Samantala, ang nakasulat sa shirt na ibinahagi ni Isabel sa social media ay, “It’s All Love Until It’s Not.”
At logo ng Nike ang nakalagay sa bandang ibaba na alam naman ang ibig sabihin ay “Just Do It.”
Bukod sa post na ito ni Isabel ay may mga nauna na siyang cryptic posts na nagsimula noong Hunyo 11 ngayong taon.
Noong mismong kaarawan niya ay nag-post ang dalaga ng, “I GIVE UP. Birthdays are just a day in a year you force to feel something…I’ve never had a good birthday for over 6 years and I don’t know why I keep trying.”
May isa pa siyang post na stool na ang nakalagay ay, “Men don’t protect you anymore at ang isa huli ay ang, “an empty canvass is full at me, licherally at the end of a rainbow (rainbow emoji).”
Anyway, dumating na sa bansa si Isabel kasama ang pamilya mula sa mahabang bakasyon sa Amerika kung saan napanood niya si Alex Eala at ipinost niya ang video at photos nito.
Aniya, “First time watching @alex.eala. I know, exhibition lang pero wow watching her live and on arthur ashe!!! Also another representation, glasses representation by Iva Jovic.”
The post Ex-jowa ni John Lloyd Cruz humugot: It’s all love until it’s not appeared first on Bandera.
