HUMINGI ng tawad ang first Kapuso evictee mula sa “Pinoy Big Brother Collab 3.0” na si Ethan Benares sa publiko pati na rin kay Gehlee Dangca at sa pamilya nito kaugnay sa “dinosaur” issue.
Sa kanyang naging guesting sa “Kalurks”, inamin ng binata na naging paraan lang ng kanyang pakikisama sa boys ang pakikisabay sa tuksuan kahit na hindi rin siya naging komportable rito.
“I don’t know if this was aired, but I told them in the bedroom, ‘Hey guys, I know we’re just playing around, but can we cut it out? I don’t want the girls to feel uncomfortable,’” lahad ni Ethan.
Ibinahagi rin niya ang isang pangyayari kung saan tinukso siya ng boys kay Gehlee na pareho nilang pinakitaan ng hindi magandang reaksiyon.
Baka Bet Mo: Gehlee Dangca hindi trophy ng boys, UNIS fandom nanawagan
View this post on Instagram
Agad namang nilinaw ni Ethan ang patungkol sa “dinosaur” issue at sinabing hindi niya intensyon na maituring si Gehlee bilang isang trophy na pinag-aagawan.
“I want to take this time to apologize, not only to Gehlee but also to Gehlee’s family and fans. With the whole dinosaur thing, my intention was never to make Gehlee feel like a trophy.
“I intended to get to know her as a person and understand who she really is,” saad ni Ethan.
Naging bukas rin ang binata sa naramdamang pressure sa loob ng PBB house at kaya rin siya nakisabay sa boys ay dahil takot siyang maging nominado uli.
“At that point, I had already been nominated, and I learned that if I didn’t get along with the others, they might vote for me again,” sey ni Ethan.
Dagdag pa niya, “So, in a way, my anxiety made me think, ‘OK, let’s just go along with the boys’ jokes, and maybe they’ll accept me. Maybe I’ll become one of the boys.’”
Inamin ni Ethan na ang kagustuhan niyang makibagay sa grupo ang nagtulak sa kanya na makilahok sa mga asal na hindi naman siya komportable.
“Even when I felt uncomfortable, I would laugh, and that was my mistake. For this, I offer my sincerest apology,” sabi pa niya.
Nagkaroon ng malapit na ugnayan sina Ethan at Gehlee sa loob ng bahay ng PBB. Bago siya na-evict, nakapag-compose pa sila ng awiting pinamagatang “Lullaby.”
The post Ethan Benares nag-sorry sa dinosaur issue, nakisama lang sa biruan ng boys appeared first on Bandera.
