HINDI lang musika ang pinagkakaabalahan ng Eraserheads frontman na si Ely Buendia dahil may bago rin siyang culinary adventure sa Makati!
Kapag narinig ang pangalan ni Ely Buendia, siyempre, musika agad ang pumapasok sa isip.
Pero sa pagkakataong ito, pagkain naman ang bida sa bagong chapter na kinabibilangan ng OPM icon.
Kasama sina Pat Sarabia at Audry Dionisio, muling binigyan ni Ely ng bagong direksyon ang kanilang restaurant sa Makati, na dating kilala bilang Thai Mookata.
Baka Bet Mo: Ely Buendia pumalag na rin sa malalang korapsyon sa Pilipinas
Pinangalanan nang Sari Kitchen, nagkaroon ito ng launch party na dinaluhan ng BANDERA.
At diyan namin nasaksihan na mas lumawak ang culinary direction niyo mula sa nakasentro lang na Thai hot pot at grill hanggang sa naging Asian comfort food na ito na may mga pagkaing may halong Pinoy, Thai, at iba pang Asian influences.
Natikman din namin mismo ang ilang bestsellers nila kabilang na ang sisig nachos, salted egg wings, kakaibang take ng sinigang na baboy, adobo rice, Bok Choy na may secret sauce, mango sticky rice, at marami pang iba.
<iframe src=" width="500" height="671" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share"></iframe>
“For a year we’ve tried to really not change anything at all since we took over the place, but we decided it was time to make a change when we saw who was going to Sari,” paliwanag ni Ely.
Sey pa niya, “And let’s face it, nobody was familiar with Mookata.”
Para sa grupo, hindi simpleng pagpapalit ng pangalan ang pagbabago.
Gusto nilang magkaroon ng mas malawak na espasyo para mag-explore ng iba’t ibang putahe at flavors mula sa Asia, hindi na nakakulong sa iisang cuisine o dining format.
Para kay Ely, isa sa pinakamalaking pagbabago ay ang kalayaang hindi na kailangang sumunod sa isang partikular na culinary identity.
“The biggest difference is freedom,” sambit niya.
“Thai Mookata naturally operated within a very specific culinary identity. With Sari Kitchen, we’re able to look across Asia for inspiration, from flavors and dishes we grew up eating to things we’ve discovered through travel, restaurants, street food, and our own experiences,” dagdag pa niya.
“We didn’t want to create dishes just because they sounded inventive. There still has to be familiarity and comfort at the heart of the menu. The goal is for the menu to feel exciting without being complicated,” aniya.
Nabanggit din ng OPM icon na mas gusto nilang maging bahagi ito ng ordinaryong araw ng mga tao mula sa quick dinner hanggang sa after-work drinks at spontaneous na pagkikita ng barkada.
“Well, it’s right there in the tagline: it’s an unassuming and unpretentious place,” lahad ni Ely.
Giit pa niya, “We want diners to be surprised and delighted to find something like this in the neighborhood.”
At dahil ang konsepto ay nakasentro sa pagiging neighborhood spot, mas relaxed din ang bagong atmosphere nito.
Mas warm at casual ang dating kumpara sa dating bright lights at stainless-steel aesthetic, habang may dagdag na elementong siguradong pamilyar sa mga Pinoy…ang karaoke!
Kasama rin sa bagong chapter ang Sari-Sari Bar, ang intimate bar na nasa loob ng establishment at may sarili nang following dahil sa live jazz sessions, production nights at film-related gatherings.
Kabilang sa mga event nito ang themed trivia nights tulad ng Cinephile Nights, habang plano rin ng grupo ang iba pang trivia at game nights.
Ayon kay Ely, mahalagang hindi mawala ang elementong ito dahil bahagi na ito ng community na nabuo sa paligid ng lugar.
“We were always on the lookout for new and exciting experiences at Sari Bar. And that’s not going to change any time soon,” aniya.
The post Ely Buendia may bagong culinary adventure para sa Makati foodies! appeared first on Bandera.
