NAGSALITA na si Direk Tony Mark hinggil sa pag-viral ng kanyang post hinggil sa pagtawag niyang “buntis” sa Kapamilya actress na si Kim Chiu.
Matatandaang naisulat namin dito sa BANDERA ang kanyang naunang post kung saan sinabi niyang nasa Canada ngayon ang aktres at binati pa ito ng “Congrats, buntis!”
Ngunit ilang oras matapos mag-viral ang post ni Direk Tony Mark ay bigla na lang itong nawala.
At ngayong Huwebes, November 12, nilinaw niyang hindi siya ang nag-post ng naturang pahayag dahil na-hack daw ang kanyang Facebook account.
Baka Bet Mo: Kim Chiu bad trip sa nagkakalat ng fake news, sasampolan ng kaso
View this post on Instagram
“Wow pakalat pa ng issue kung sino ka man malalaman ko din kung sino ka,” saad ni Direk Tony Mark.
Aniya, wala naman siyang alam tungkol kay Kim.
“Una wla akong alam kay Kim Chiu kung sino gumgamit ng name ko paghusayin mo at kung magpapasikat ka humarap ka… At pasisikatin kita,” pagtatapos ni Direk Tony.
Samantala, naglabas ng pahayag si Kim na gumagawa na ng hakbang ang kanyang legal team hinggil sa mga nagpapakalat ng fake news tungkol sa kanya.
“My legal team is already looking into the individuals and platforms responsible for spreading false information, malicious rumors, and invading my privacy, including possible violations of Article 26 of the Civil Code of the Philippines,” bahagi ng pahayag ng Kapamilya actress.
The post Direk Tony Mark biglang kambyo kay Kim Chiu, FB na-hack!? appeared first on Bandera.
