SA halip na makakuha ng simpatya, binengga pa ng netizens ang isang dessert restaurant sa San Pablo City, Laguna.
Ito’y matapos maglabas ng kautusan ang naturang resto na i-ban ang broadcast journalist at TV host na si Karen Davila.
May konek ito sa naging matapang na pahayag ni Karen tungkol sa women empowerment sa YouTube vlog ng actress-public servant na si Aiko Melendez na lumabas noon pang June.
“I believe many women work hard. But I would advise young women listening to me today, you cannot be an empowered woman kung umaasa ka ng pera sa boyfriend mo o sa asawa mo,” ang pagbabahagi ng Kapamilya news anchor.
Dugtong pa ni Karen, “Masakit po ito pakinggan. But a truly empowered woman is a financially independent woman.”
Kasunod nito, naglabas ng statement sa Facebook ang dessert resto na TAHU with Ice Cream kung saan kinontra nila ang pahayag ni Karen kasabay ng pagba-ban sa kanya.
“Para sa amin, ang pagiging empowered na babae ay hindi nasusukat sa kung humihingi o tumatanggap siya ng financial support mula sa kanyang boyfriend o asawa.
“Ang mahalaga ay respeto, pagkakaunawaan, at ang kalayaang magdesisyon para sa sarili at sa relasyon,” mababasa sa post ng restaurant.
Baka Bet Mo: Karen Davila nagpanting sa galit sa Machong Chismisan hosts: ‘Shame on all of you!’
Dahil dito, kinuyog sila ng netizens at narito ang kanilang mga komento:
“Mas masarap pa yung taho na sumisigaw sa umaga.”
“Ngek?!!!! HAHAHAHAHAHAHA. uso mag kansel na pala.”
“Sabi ni Ms Karen, wala daw syang paki sa Tahu with ice cream.”
“Ang tanong, pinupuntahan ba kayo ni KD?”
“Mahina ba bentahan hahaha.”
“As if naman may pake si Karen Davila.”
“Pwde nman gumamit ng ibang strategy pra mapansin ung brand ninyon.haha wag na gamitin ang issue pero effective npacomment kmi.”
“By Ms. Karen Davila’s definition of an empowered woman, a SAHM like me who chose to raise my kids and take care of my family under the financial provision of my husband is not empowered. Sige na nga, sa inyo na yang empowerment na yan. Mas bagay sa amin ang term na ‘blessed.’
Bukas ang BANDERA sa magiging pahayag ni Karen hinggil sa isyung ito pati na rin sa reaksyon ng naturang resto sa pambabarag ng netizens.
The post Dessert resto binanatan dahil sa pag-ban kay Karen Davila, anyare!? appeared first on Bandera.
