PATULOY ang pagbi-beast mode ng social media personality na si Chloe San Jose laban sa nanay ni Carlos Yulo na si Angelica Yulo.
Ayaw patalbog ng palabang partner ni Carlos sa mga nambebengga sa kanya sa social media na kumakampi kay Angelica.
Hindi pinalampas ng dalaga ang isang post sa Facebook na nagtatanggol sa nanay ni Caloy at nagsabing hindi raw dapat pumapayag ang two-time Olympic gold medalist na bastusin ang kanyang ina.
Mababasa sa naturang post, “Never let anyone disrespect your own mother. Ok na hndi kayo magkasundo. Basta tahimik na lang sana itong si Chloe.
“Mali man minsan ang matatanda, kailangan show respect pa din sa magulang ng partner mo. That is what class, character and decency are all about,” ang sabi pa ng netizen.
Sinagot naman siya ni Chloe, “Well why don’t you apply that to the ‘mother’, if she only showed respect i would’ve given her 10x more respect back.
“Masyado kayong sanay sa being a ‘BIGGER PERSON’, well don’t apply that to me,” matapang na bwelta ni Chloe.
Baka Bet Mo: Chloe San Jose ibinuking si Angelica Yulo, may ginawa kay Karl Eldrew!?
Patuloy pa niya, “I will never let anyone step on me and THAT i think is more classy, shows more character, independence and decency towards myself and demonstrates courage.
“I believe more women should step into their GIRL POWER!” hirit pa ng dyowa ni Caloy.
Nitong nagdaang weekend, nakipagsagutan din si Chloe sa lola ni Carlos na si Angelita Poquiz Frisco, tungkol sa plano nilang pagpapakasal.
Nagsimula ito nang magkomento ang kaibigan ni Angelica Yulo, nanay ni Carlos, na dapat na nitong ihanda ang red gown para sa wedding ng anak at ni Chloe.
“Kung sakaling magbago naman ang isip nila, so ready ka na ‘di ba? Ito ang dapat mong suotin para makatipid ka na at ‘di ka na bumili ng gown mo. Mag-red ka para naman stand out ang ganda mo! Sandali nasabihan ka ba?” komento ng kaibigan ng ina ni Carlos.
Reply naman ng nanay ni Caloy, “Wooooiiiiii ahahah.”
Matapang ang naging sagot dito si Chloe, “Angelica Yulo, baka naman gusto mo ikwento na nag usap-usap na tayo ng maayos?
“Saksi lahat ng mga anak mo at asawa mo + isa sa mga pinakamalapit mo na kaibigan. Maka-post ‘tong friend mo kuno halatang hindi ka nag kukwento ng totoo sakanya/sakanila LOLLLL HAHAHAHA.
“Sabagay palabas mo nga sa iba nag walkout ka?? Eh nagyakapan nga tayo bago maghiwa-hiwalay. SENDINGS HUGSSS THO P.S. ‘Di lang ako makapag comment with my personal account, unblock mo na kasi ako chiii,” bwelta ni Chloe.
Kasunod nito, bumanat na rin ang lola ni Carlos na si Gng. Angelita na nagsabing nagpapapansin lang daw si Chloe dahil iniwan na sila ni “Yza” o si Elaiza Yulo, ang nakababatang kapatid na babae nina Carlos at Karl.
Sabi ni Angelita, umalis daw si Yza sa poder nina Carlos at Chloe at bumalik sa kanilang nanay dahil nagkaroon daw sila ng isyu. Pero ayon kay Chloe, nagsinungaling umano si Yza sa mga kuwento nito.
Sa gitna ng talakan nina Chloe at Angelita, nagpadala ng groufie si Chloe kung saan makikitang nakadila ang dalaga kasama si sina Carlos at Karl.
Hirit naman ni Angelita sa pagdila ni Chloe sa picture, “Sanay (na) sanay kang dumila noh Kaya si caloy Baliw na Baliw eh.”
Resbak ni Chloe sa kanya, “Angelita Villaflor Poquiz Frisco HAHAHAHAA AWEEE WALA NG SENSE MGA REBAT, dila ka din po oh.”
The post Chloe San Jose may pasabog, irerespeto lang nanay ni Carlos Yulo kung… appeared first on Bandera.
