Carlos Agassi pasimpleng sinagot si Shanaia Gomez: Inggit ka, pasikat ka!

Carlos Agassi pasimpleng sinagot si Shanaia Gomez: Inggit ka, pasikat ka!

NAGSALITA na ang aktor ma si Carlos Agassi hinggil sa pagkakaugnay niya sa viral video post ng Star Magic artist na si Shanaia Gomez.

Ang naturang video post ng dalaga ay ang isang pasabog tungkol sa male celebrity na hamak na mas matanda sa kanya na panay ang pagtanong kung nasaan siya at kung kailan sila magkikita.

Marami ang nag-comment at nakarating pa sa Reddit ang naturang video at lumutang ang pangalan na si Carlos umano ang male celebrity na nangulit noon kay Shanaia.

Bukod kasi sa naging clue ng dalaga na “happy siya at birthday pa niya”, marami rin ang nagsasabing same sila ng experience ng aktres.

Baka Bet Mo: Carlos Agassi dumaan sa depresyon: Gusto ko nang mawala

At kasabay ng pag-viral ng video post ni Shanaia ay ang paglalabas rin ni Carlos ng video.

“Hi, idol. Sobrang sikat ka talaga at trending,” saad ni Carlos. “Isipin mo, single ka noong 2017, 2018 na puwede kang makipag-date, makipag-message kahit kanino.

“Sobrang bait mo sa fans mo, pinagbibigyan mo. Nilalabas ‘yong conversations n’yo. E ngayon 2026 na, happily married ka na. Family man ka na. Kumbaga, sobrang bait at loyal mo sa asawa mo.,” saad ni Carlos.

Pinagtatawanan na nga lang daw nilang mag-asawa ang mga nangyayari.

Dagdag pa ni Carlos, “Siya ‘yong may hawak ng phone ko. Siya ang nagre-reply sa lahat ng nagme-message, especially sa mga inquiry sa work. Or kahit sino, lalo na kung babae o bading.”

Idadaan na nga lang niya sa isang rap ang kanyang mensahe para sa naturang isyu.

“Tok! Tok! Tok! Ang daming p*kpok! HA-HA-HA. Mga pasikat sa social media. L-O-V-E kami ay sobrang saya. Eight years na, kasal na. Inggit ka, pasikat ka!” sey ni Carlos sa pamamagitan ng rap.

Pagpapatuloy niya, “Akala mo ang ganda mo. ‘Pag wala kang talent, ‘di ka manlang sumikat. Talagang laos ka na. Hindi kami pumapatol sa mas mababa sa amin para lang sumikat. Ginagamit mo pangalan ko para sumikat. Kaya ayan nagagalit asawa ko na sobrang selosa. Lagot ka talaga sa kanya. Ratatatat ang bunganga niya.”

Bagama’t walang binanggit na pangalan si Carlos, marami ang nagsasabing ito ang kanyang sagot sa pag-uugnay sa kanya sa video post ni Shanaia patungkol sa male celeb na panay porma at tila nais siyang pormahan noong 14 years old pa lang siya.

The post Carlos Agassi pasimpleng sinagot si Shanaia Gomez: Inggit ka, pasikat ka! appeared first on Bandera.

Source link