USAP-USAPAN ngayon sa social media ang pagpapakita ng suporta ng online personality na si Boy Tapang kay “Pinoy Big Brother Collab 3.0” housemate Primo Alterado.
Nangako si Boy Tapang o Ronie Suan sa tunay na buhay, na gagastos siya nang bonggang-bongga para iligtas si Primo sa eviction night ng “PBB” kung saan isa siya sa mga housemates na nominated.
Naging sentro kasi ng usapan at biruan ng netizens ang pagiging magka-face nina Boy Tapang at Primo, lalo na ang kanilang bigote.
Game na game namang naki-ride rito si Boy Tapang matapos itong mangako na magbibigay siya ng 100,000 votes para sa “PBB” housemate.
Bagama’t hindi na makikita sa mismong social media profile ni Boy Tapang ang original comment, kumalat ang screenshot ng umano’y naging pahayag niya.
“Bigyan kita ng 100,000 votes Primo dahil (magkahawig) daw tayo AHAHAHA,” ang mababasa sa post ng content creator.
Bukod dito, nire-post din ni Boy Tapang sa kanyang Facebook account ang tungkol sa pagkakahawig ng itsura nila ng Kapamilya housemate.
Baka Bet Mo: Sofronio Vasquez nakatanggap daw ng ‘maleta’ kay PBBM: FAKE NEWS!
“You are safe PRIMO!” ang mababasa sa post ni Boy.
Kabilang siya sa Kapamilya housemates na kasalukuyang nanganganib na mapabilang sa unang eviction ng “PBB Collab 3.0.”
Ang mga nominado mula sa Kapuso housemates:
Ethan Benares
Mikee Quintos
Nicole Fortuna
Nominado sa Kapamilya housemates:
Calix Esguerra
Nathan Garcia
Primo Alterado
The post Boy Tapang bibigyan ng 100K votes si Primo para iligtas sa PBB eviction appeared first on Bandera.
