NA-EXCITE ang fans at supporters ng namayapang basketball player na si Rene Baterbonia sa good news ni BB Gandanghari.
Ibinahagi kasi ni BB sa social media na nagsimula na ang shooting nila para sa biopic ni Rene na siya mismo ang direktor at mula sa produksiyon ni Sen. Robin Padilla.
Nag-post ang dating aktor (Rustom Padilla) sa Facebook ng teaser about her first directorial job na tatalakay nga sa life story ng pumanaw na student-athlete.
“Where it all started “ ang mababasa sa caption ni BB sa teaser gamit ang hashtag na “#imJustAKidWithABigDream”.
Wala namang binanggit si BB na mga detalye tungkol sa naturang pelikula na kinukunan na ngayon sa Mindanao.
Base sa teaser na inilabas ni BB, ang batang basketball player na si Kyle Reese Degullacion, ang pinaniniwalaang bibida sa pagsasapelikula ng buhay ni Rene.
Makikita naman sa Facebook account ni Kyle ang ipinost niyang mga link na may kaugnayan sa ginagawang pelikula ni BB.
Matatandaang last August, 2026, ay opisyal nang kasama si Kyle sa basketball program ng Ananda Marga Special Academic Institution (AMSAI) Davao kung saan si Ruel Abellera na mentor ni Rene ang magiging coach niya.
Baka Bet Mo: Rene Baterbonia nakatawid na sa kabilang-buhay – psychic
Ni-repost naman ng tatay ni Kyle na si Jofel Ryan Degullacion ang naturang FB post na may caption na, “Very proud of you for what you’ve achieved Kuya Kyle.”
Samantala, nag-post uli si BB sa Facebook ng litrato ni Rene at ng ina nitong si Rovelyn Baterbonia na may mensaheng “coming soon”.
Naglabas din siya ng video na kuha sa hometown ni Rene sa Talacogon, Agusan del Sur na pinaniniwalaang location ng ginagawa nilang movie.
Nitong nagdaang Nobyembre 8 naman ang ikalimang buwan ng pagkamatay ni Rene at ng kapwa nito player na si Divine Adili mula sa Ateneo de Manila University.
Nalunod at namatay ang dalawang cager noong Hunyo 8, habang isinasagawa ang kanilang team building sa Dipaculao, Aurora.
Sa kanyang FB post, mababasa ang pag-alala ni Rovelyn sa pagpanaw ng anak, “Happy birthday mo Ngayon naka- ika 5 months mo Ngayon sana makuha natin Ang justice mo namiz na kita.”
The post BB Gandanghari sinimulan na shooting sa Rene Baterbonia biopic appeared first on Bandera.
