NALOKA umano ang aktor na si Baron Geisler matapos siyang gulatin ng isang babae na nagpakilala bilang isa sa kanyang fans.
Sa isang Instagram story ay ibinahagi ng aktor ang kanyang weird na experience matapos makatanggap ng mensahe mula sa isang babae.
“This morning, something really weird happened. A girl who I thought was a fan messaged me saying I should call her because it was urgent, so l answered,” saad ni Baron.
Nang sagutin niya raw ang tawag at nagsalita na ang kanilang pag-uusap, may napansin raw siyang kakaiba sa babae.
Baka Bet Mo: Misis ni Baron confused: Normal ba matulog PA sa kama ng amo?
View this post on Instagram
“The moment the call started, she was doing something inappropriate on camera,” pagpapatuloy ni Baron.
Nang maramdaman bga niya na mukhang maiipit siya sa sitwasyon dahil sa ginawa ng nabae ay itinigil na niya ang tawag.
“I immediately realized this was some kind of scam, and apparently I’m not the only one who got targeted this has been an ongoing scam,” sabi pa ni Baron.
Kaya naman nagpaalala ang aktor na maging maingat sa pagsagot ng tawag.
“Please be careful with random calls/ messages, especially from people claiming to be fans,” pagtatapos niya.
The post Baron Geisler nagbabala, nabiktima ng babaeng nagpanggap na faney appeared first on Bandera.
