HINDI nagpatalo at walang keber na nagkuwento ang aktres na si Aubrey Miles nang matanong tungkol sa hindi magandang experience niya sa showbiz.
Diretsahang sinabi ng dating sexy actress na may isang babaeng celebrity na paulit-ulit siyang idinadamay sa mga kontrobersiya noon.
Sa halip na umiwas sa sensitibong tanong, game na game itong sinagot ng hot mama sa segment na “Chika o Add to Cart” ng programang “Chika Cart” sa GTV.
Sa naturang segment, binibigyan ng pagkakataon ang guest na mamili kung sasagutin ang isang kontrobersiyal na tanong sa pamamagitan ng pagsasabi ng “Chika” o tatanggihan ito kapalit ng “Add to Cart.”
Pero tila walang planong magpakabog si Aubrey dahil agad niyang pinili ang “Chika!”
Ang tanong sa aktres, “Aubrey, meron ka bang ayaw nang makatrabaho ulit dahil mayroon kang bad experience, na parang you were taken advantage of?”
Hindi nagdalawang-isip si Aubrey na ibahagi ang isang hindi malilimutang karanasan tungkol sa isang personalidad na pilit umanong idinadamay ang kanyang pangalan noong nagsisimula pa lamang ito sa industriya.
“Ito, hindi ko naman siya nakatrabaho sa taping, pero sa guesting. Hindi naman taken advantage of, pero kasi, nu’ng time na nag-i-start siya sa showbiz, hindi ko alam parang bakit niya ako idinadamay.
Baka Bet Mo: Nikki Valdez na-trauma sa relasyon nila ni Troy Montero: Ang daming na-shock!
“May mga sinabi siyang news about me na siguro connected kami sa kinikita niyang tao. Nu’ng nag-i-start siya, nagpapa-interview siya, kung anu-ano ang sinasabi niya. Tapos, ako ang binabanggit niyang pangalan,” lahad ng wifey ni Troy Montero.
Patuloy pa niya, “Pero kasi, connected ako doon sa taong may problema siya. Nu’ng nag-start siya mag-showbiz, nagpapa-interview siya, kailangan connected ako kasi ‘yung kinakasama niya kakilala ko, parang ganu’n.”
Feeling ni Aubrey, nagamit siya nang bonggang-bongga ng naturang celebrity para mas mapag-usapan ang isyu.
“Friend ko yung may problema siya, pero ako ‘yung binabanggit niyang pangalan kasi hindi kilala yung friend niya na friend ko rin, pero tina-tag ako.
“For how many weeks ‘yon, nagpapa-interview siya every Sunday,” sey ni Aubrey.
“You know what, I’ve moved on. Para sa akin, kapag ginalaw mo ‘yung family ko, yung mga anak ko, kapag nabanggit mo…may mga ipinakita pa siyang videos, eh.
“I have a lot of friends, civil lang ako. Never ako nagkaroon ng kaaway. Pero kapag ako, ginalaw mo ‘yung mga family ko, wala,” ang may pagbabanta pang sabi ni Aubrey.
Ang clue ng aktres, nasa Pilipinas pa rin ang manggagamit na female celebrity.
“Actually before, gusto niyang mag-apologize, sabi ko, ‘No. Okay lang ako.’ Sabi ko. I don’t need an apology to make me feel good, okay naman ako, happy naman ako sa buhay ko,” sey pa ni Aubrey Miles.
The post Aubrey Miles biktima ng manggagamit na female celeb, nagbanta! appeared first on Bandera.
