SI Anjo Yllana pala ang naging tulay para magkakilala at maging magkarelasyon sina Kris Aquino at Joey Marquez.
Kuwento ni Anjo kay Julius Babao sa “Unplugged” vlog nito ay best friends sila ni Kris at sa katunayan sa panahong problemado ito dahil buntis kay Joshua courtesy of Phillip Salvador ay nag-open up ang Queen of All Media sa aktor.
Sinabihan siya nito na siguradong tatanggapin ng pamilya niya ang bata Joshua) pero si Ipe raw ay malabong matanggap ng pamilya Aquino.
“Kaya mahal ko si Joshua, sabi ko kay Kris noon, ‘alam mo si Ipe imposibleng tanggapin ‘yan ng pamilya mo (kasi) may asawa pero pag nanganak ka na imposibleng hindi tanggapin ng pamilya mo.
“‘Imposibleng hindi tanggapin ni (ex-President) Cory apo niya ‘yan, eh, imposibleng hindi tanggapin ni P-Noy, pamangkin niya ‘yan. These were the things I’m telling her nu’ng kami’y mag-bestfriend pa.
“Naging mag-bestfriend kami ni Kris more than mag-boyfriend-girlfriend pero sandali lang hindi nga umabot ng isang buwan,” say ni Anjo Yllana.
Sabi pa niya, “That time siyempre close rin ako kay Joey kasama ko sa Palibhasa Lalake (sitcom nila noon), konsehal ata ako noon ng Paranñaque tapos Mayor si Joey, tapos si Kris dahil bestfriend ko, parang nagkaroon sila ng pictorial, e, kakahiwalay lang ni Joey at ni Ness (Alma Moreno), tapos hiwalay din si Kris at si Kuya Ipe.
“Then sabi ni Kris noon (kay Anjo), ‘I like Joey, he’s gentleman.’ Tapos sinabi ko kay Joey, ‘Uy gentleman ka raw.’ Tapos after two weeks for some reasons pinadaan sa akin kung puwede raw silang mag-dinner.
“So, akala ko naman friendly dinner at hindi magiging seryoso. Ay, naging seryoso ang pagmamahalan hanggang sa (naging sila) at ang pangit ng ending nila, di ba?” saad ni Anjo.
Baka Bet Mo: Kris Aquino, Bimby nakita si James Yap sa ospital, ‘utang’ ipinaalala
Bagama’t hindi naman sinisi ni Anjo si Joey ay si Kris ang nainis sa kanya, “Nagalit siya at ‘yun ‘yung naghiwalay kami ng landas as bestfriends kasi kinampihan ko si Joey and they made a public statement na away asawa lang ‘to (o) mag-boyfriend but she (Kris) wanted it like it was a serious.
“Yun nga ‘yung accusation (sexually transmitted disease o STD), e, kinampihan ko si Joey do’n kaya nagalit sa akin si Kris and up to now meron kaming parang (wall),” ani Anjo.
Dagdag pa ng aktor, “Nagi-guilty ako kasi nasira ‘yung political career ni Joey. Mahal na mahal ko ‘yan si Joey and I was inspired na tumakbong konsehal because of what I saw in Joey Marquez, idol ko siya, na-inspire ako sa ginagawa niya.
“Iba ‘yung nagpapatawa ka at mahal ka ng tao, iba ‘yung tinutulungan mong taong direkta, ang sarap ng pakiramdam kaya ako tumakbo noon dahil sa kanya (Joey).
“Kaya na-guilty ako kasi nu’ng naayos ko ‘yung kanilang pagmamahalan (Kris at Joey) sa start, na-guilty ako kasi ang daming accusations kay Joey noon nasira ‘yung political career niya, kasi ang (sunod) na takbo niya congress na kaya guilty ako,” paliwanag ni Anjo.
Samantala, kamakailan ay nag-viral ang panganay ni Kris dahil napag-usapan ito sa isang podcast at nagalit si Anjo at sa katunayan ay nag-live pa siya hinggil dito.
“Nagalit ako, naglabas ako ng video at gusto kong hamunin ng suntukan ‘yung nagsabi no’n kasi Josh doesn’t deserve na ganu’n treatment from anybody.
“Huwag nating paglaruan. Kaya galit ako at hanggang ngayon galit ako do’n sa tao at baka sakaling masalubong ko, masabihan ko siya na ‘mali ‘yung ginawa mo!’” pahayag ni Anjo.
The post Anjo Yllana naging tulay sa relasyong Kris-Joey: Pero na-guilty ako appeared first on Bandera.
