Alessandra de Rossi pinatsugi ng co-star sa project: ‘Ayoko sa ‘yo!’

Alessandra de Rossi pinatsugi ng co-star sa project: ‘Ayoko sa ‘yo!’

Vahn Leinard Pascual, Beverly Salviejo, Yani Villarosa, Alessandra de Rossi at Ruby Ruiz

ANG saya-saya ng naganap na presscon para sa nationwide screening ng Cinemalaya Film Festival 2026 entry na “Status: Rejected” starring Ruby Ruiz and Alessandra de Rossi.

Laugh nang laugh ang mga invited members ng entertainment media sa mga nakakaloka at pasabog na kuwento ng cast, kabilang na sina Beverly Salviejo at Yani Villarosa. 

Isa sa mga napag-usapan sa mediacon ay ang bullying sa mundo ng showbiz, kung saan umamin sina Ruby, Alessandra at Beverly na nabiktima rin sila noon ng pagpa-power trip at pagkainggit ng ilang sikat na celebrities.

Kuwento ni Alex, ilang beses din siyang nakaranas ng pagsusungit at pagtataray ng senior stars noong nagsisimula pa lamang siya sa pag-aartista.

Tanong ng BANDERA kay Alessandra kung na-bully na ba siya ng mga nakatrabaho niya sa teleserye at pelikula.

“Oo naman. Madalas din akong mapagtripan. Pero ang ano kasi sa akin, since sanay ako sa bullying, ang ending nagiging close ko sila.

“Tapos ako na yung pinaka-loved nila sa lahat. Pagdating ko sa taping, ako na yung hinahanap nila.

“Kumbaga sa ano, huwag kang magpapatalo sa kanila. Kasi minsan, kaya ka nila pinagtitripan dahil may nakikita sila sa ‘yo,” sey ni Alex na ang tinutukoy ay ang pagiging “inggit-pikit.”

Pagpapatuloy niya, “Kunwari sa eksena ikakasal ako, tapos maglalakad ka sa aisle, then sa rehearsal, niloloko-loko ko  yung lakad ko, parang supermodel ka, ganyan.

“Tapos sabi nu’ng artista, ‘Ganyan ka maglalakad mamaya?’ Sabi ko, ‘Hindi, siyempre, joke lang yun.’ Sabi n’ya sa ‘kin, ‘You will never be a model. Ako lang ang ipinadala sa Paris. May ganu’n!” ani Alex na ikina-shock daw niya.

Baka Bet Mo: Alessandra tinalakan ng direktor: Hindi ka sisikat! Mayabang ka!

“Meron din yung sinabihan ako ng, ‘Ayoko sa ‘yo. Sinabi ko nga sa network na palitan ka na, e. Pero wala akong magagawa, ang gusto nila ikaw. Pero hindi tayo puwedeng pareho ng arte, ha!’” chika pa ni Alex.

Sundot na tanong namin kung hindi niya pinapatulan ang mga ganu’ng klase ng katrabaho.

“Pumapatol, pero hindi pumapatol ng ganu’n. Parang kunyari sasabihin nila sa akin, “Ano’ng baggage mo? Ano’ng baggage mo?’ Pero hindi ako nagpapasindak, but hindi ako sumasagot nang hindi maganda.

“So, in the end nga, nagiging kaibigan mo sila kasi napi-feel nila na hindi ka natatakot sa kanila. So parang wala, sayang lang ‘yung pagmbu-bully nila sa ‘yo. Ganoon ‘yun. Dedma. Saka sanay na nga ako sa pambu-bully,” sey pa ni Alessandra.

Samantala, dahil tungkol sa rejection ang “Status: Rejected” natanong din ang cast kung nakaranas na rin sila nito sa totoong buhay.

Sagot ni Alex na gumaganap bilang Anna sa movie na isang single mother, “Rejection is a regular Monday for me.” 

Pagsang-ayon ni Ruby Ruiz who plays Virginia “Biring” Divinagracia, a 69-year-old widow, “Naku, lalo na rito sa showbiz, it’s something that you have to learn to live with.”

Hirit naman ni Beverly Salviejo na gumaganap na BFF ni Biring na si Tessie, “True! Lalo na kung pangit ka! Talagang makakarinig ka!”

Sabi pa ni Ruby, “I’ve learned to stay strong. Be confident in my own skin and my own capabilities. 

“Yes, masakit, pero I realized na walang mangyayari sa mga pangarap ko kung magpapadala ako,” saad ng premyadong veteran actress.

Sabi naman ni Beverly, “Hindi ako palasalita lalo na noong bago pa lang ako, pero ngayon, I voice out na. Nagsasabi ako kapag feeling ko minamaliit ako.” 

Ang “Status Rejected” ay mula sa direksyon ni Vahn Leinard C. Pascual na bukod sa Best Actress na naiuwi ni Ruby Ruiz ay siya ring nanalo ng NETPAC Award at napiling makipaglaban sa First Feature Competition ng 30th Tallinn Black Nights Film Festival sa Estonia. 

Ito’y mula sa produksyo ng Clever Minds at Black Cap Pictures at showing na sa mga sinehan nationwide simula sa November 18.

The post Alessandra de Rossi pinatsugi ng co-star sa project: ‘Ayoko sa ‘yo!’ appeared first on Bandera.

Source link