TRULILI kaya ang nasagap naming balita na second choice ang female personality bilang mukha ng produktong ie-endorso niya dahil nagbagsak presyo ang management niya.
Kilalang aktres ang prinesenta ng ahensya sa may-ari ng produkto at umokey na at inaayos na lang ang mga dokumento para mag-pirmahan na.
Laking gulat ng ahensya na nag-present sa kilalang aktres sa may-ari ng produkto dahil biglang tumawag na hindi na tuloy dahil may ibang nakuha na ang partner nito sa negosyo.
“Nagkaroon ng sulutan, ‘yung partner na shareholders ay nakilala nu’ng management ni (female personality) at sinabi nag anito lang ang talent fee kaya kunin na. Siyempre gustong makatipid tsaka kaya kinuha na nga siya.
Baka Bet Mo: Klarisse de Guzman dawit na rin sa JMFyang blind item
“Si (unang choice), naligwak kaya naloka ‘yung manager at ;yung ahensya na nag-present kasi tapos na ang usapan magkaka-pirmahan na lang,” kwento mismo ng taga-opisina ng may-ari ng produkto.
Dagdag pa, “Nalaman nga ni boss na ‘yung manager ni (second choice) nanunulot ng projects ang dami na palang ginawan ng ganito na. Pero siyempre si boss doon siya sa makakatipid.”
Well, ‘yung second choice ay okay din naman bilang endorser ng produkto pero siyempre iba ang premium kung natuloy sana ‘yung unang kausap na personalidad.
“Sabi ni boss, kahit sino pa ang endorser bibilhin pa rin naman ‘yung product namin kasi essential, pero siyempre nakaka-sossy kung natuloy na si (first choice),” ani pa.
***
Lubos ang pasasalamat ng ABS-CBN sa mga manonood sa Pilipinas at iba’t ibang parte ng mundo matapos makakuha ng pinakamaraming views sa buong mundo ang ABS-CBN Entertainment YouTube para sa media and entertainment category.
Nakalikom ito ng 72.6 bilyong total views nitong October 2026, ayon sa datos ng Tubular Labs.
Sa Pilipinas naman, numero uno rin ang ABS-CBN Entertainment sa YouTube para sa lahat ng kategorya para sa total views (72.6 billion) at subscribers (55.3 million).
Tinatangkilik din ng mga manonood ang ibang social media platforms ng ABS-CBN para sa Facebook, Instagram, at TikTok.
No. 1 Facebook page sa Pilipinas ang ABS-CBN para sa entertainment genre batay sa views (726 million) at followers (47.5 million).
Nangunguna rin sa bansa ang ABS-CBN Entertainment sa Instagram para sa views (859 million) at engagements (19.5 million).
Numero unong TikTok account din sa Pilipinas ang ABS-CBN Entertainment sa media and entertainment category batay sa followers (14.6 million) at engagements (48.4 million).
Ang rankings para sa views at engagements ay batay sa datos ng Tubular Labs mula noong September 2026, habang ang mga ranking para sa followers ay mula noong October 2026.
Ang Tubular Labs ang kilalang industry standard pagdating sa global social video measurement at creator rankings na sumusukat sa digital footprint ng mga platform tulad ng YouTube, Facebook, Instagram, at Twitch.
Mula sa full episodes ng mga kasalukuyan at classic shows hanggang sa highlight reels at exclusive digital videos, patuloy ang ABS-CBN sa paghahatid ng mas maraming paraan para ma-enjoy ng mga manonood ang kwentong Pilipino saanmang sulok ng mundo.
Nananatiling tapat ang ABS-CBN sa layunin nitong maglingkod sa mga manonood sa pamamagitan ng mga palabas na nagbibigay-inspirasyon, impormasyon, at saya.
The post Aktres sinulot ang endorsement dahil mas mura ang TF; ABS-CBN world No. 1 sa views! appeared first on Bandera.
