Aiko Melendez botong-boto kay Sachzna Laparan para kay Andre, pero…

Aiko Melendez botong-boto kay Sachzna Laparan para kay Andre, pero…

Aiko Melendez, Andre Yllana at Sachzna Laparan

HlNAYANG na hinayang si Konsehala Aiko Melendez sa content creator na si Sachzna Laparan dahil may boyfriend na ito. 

Type pa naman niya ang aktres at vlogger para sa kanyang anak na si Andre Yllana.

Si Sachzna ang guest ni Konsi Aiko sa kanyang vlog na mapapanood sa YouTube.

Nagulat ang mama ni Andre ng malamang 28-anyos na si Sachzna dahil akala niya ay nasa high school pa lamang ito.

“Ha? Anong sikreto mo? Akala ko naman bagets-bagets pa ‘to, my gosh!” reaksyon ni Aiko kaya tawang-tawa ang vlogger.

“Twenty-eight na po ako kasing age ko po ang anak n’yo (Andre) friends po kami,” nakangiting sabi ni Sachzna.

“Ah, friends kayo? Oh my God! Niligawan ka ba niya?” kaswal na tanong ng konsehala.

“Dati! Ha-hahahaha!” tumawang sagot ng kilalang personalidad.

Napahiyaw si Aiko. “Oh my God! Nagkabukuhan, binasted mo siya. Sayang naman,” nanghihinayang na sabi ng nanay ng Viva Artists Agency (VAA) talent.

“E, kasi po nagtatrabaho po ako no’n. Di pa kayang pagsabayin ang love (life). Namumula tuloy ako,” natawang sagot ng dalaga.

Hirit ni Aiko, “Ngayon, puwede na ba?”

Baka Bet Mo: Sachzna Laparan pinalagan akusasyong ‘pinaplastik’ si Jelai Andres

Napahalakhak nang todo si Sachzna at hindi na nakapagsalita pa. Sabi pa ng nanay ni Andre, “I’m a good mother in law, mabait ang anak ko, promise!”

“Kailangan naming mag-usap ulit ni Andre,” tanging nasabi ni Sachzna.

“My God! Mamaya pag-uwi ko sabihin ko sa kanya (Andre), what a revelation!” napatiling sabi ni Aiko habang hawak ang magkabiling pisngi.

Isa pang rebelasyon ni Sachzna, “Pinupuntahan pa niya ako dati sa condo kasama mama ko. Ha-hahaha! Yes, magko-coffee pa kami, very wholesome (at) bata pa po kami no’n parehas kaming 18 (or) 19?”

“Oh my God!” tili ulit ng mama ng binata. “Oh my, kinilig naman ako bigla, na shock ako! My son has a really good taste that I can say. Ha-hahaha!”

Dagdag pa ni Sachzna, “Sobrang bait ni Andre.”

Anyway, napag-usapan nina Aiko at Sachzna kung paano siya nagsimulang kumita sa edad na 13 bilang breadwinner hanggang sa naging content creator, nagla-live selling at kung anu-anong trabahong legal ang pinasok para mabuhay silang mag-iina.

Naging successful ang dalaga at nakaipon at kamakailan lang ay nagtapos na siya ng kanyang pag-aaral na isinantabi muna niya base na rin sa payo ng ina na unahin munang magtrabaho at puwede namang bumalik sa pag-aaral kapag may pampaaral na.

Hangang-hanga si Aiko sa kasipagan at determinasyon sa buhay ni Sachzna bilang breadwinner sa kanilang mag-iina hanggang sa narating na niya ang kanyang estado ngayon.

‘Yun nga lang may kahalong lungkot dahil lagi raw naloloko sa pera ang dalaga na ultimo kamag-anak ay ginawan din siya ng hindi maganda kaya ang payo ng ina ay huwag na itong magtitiwala kahit kanino kundi sa sarili na lang para hindi na siya maoloko ulit lalo na sa usaping pera.

Nakatanggap ng kaliwa’t kanang bashing si Sachzna na talagang naapektuhan siya pero kailangan niyang maging matatag at ang sabi ni Aiko sa kanya, “Kaya ka bina-bash kasi nagma-matter ka sa kanila.”

At nang patapos na ang panayam ni Sachzna ay may tanong si Aiko, “Wait huling hirit, single ka ba ngayon?”

Natawa nang todo ang dalaga, “Hindi po. Ha-hahaha!”

“Ayyyy, Andre…sorry butata ka na naman,” tukso ni Aiko sa panganay niya.

“Okay lang po, puwede naman kaming maging magkaibigan,” sagot naman ni Sachzna.

The post Aiko Melendez botong-boto kay Sachzna Laparan para kay Andre, pero… appeared first on Bandera.

Source link