PINAGPIPIYESTAHAN ngayon ng mga netizen ang video ng mag-asawang Angelica at Mark Andrew Yulo habang super dance sa harapan ng simbahan.
Sa kanyang Facebook account, ibinahagi ni Angelica ang nakakaaliw na artificial intelligence (AI) dance video nila ng kanyang asawa.
Makikitang nagsasayaw ang mga magulang ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo sa harapan ng isang simbahan.
Nakasuot ng red gown si Angelica habang naka-red polo barong naman si Mark Andrew for today’s video.
“Bakit parang Di naman ako to. Prof Rj Noisap pinagtripan mo na Naman Kami.
“In fairness si Mark Andrew Yulo kuhang Kuha ang mukha ahaha,” ang nakalagay sa caption ni Angelica.
Marami ang nag-comment na tila pang-uurot ito ng mag-asawa sa anak nilang si Caloy at sa dyowa nitong si Chloe San Jose.
Ito’y sa gitna nga ng pambebengga ni Chloe kay Angelica pati na sa lola ni Carlos na si Angelita Poquiz dahil sa mga naging reaksyon ng mga ito sa plano nilang pagpapakasal.
Baka Bet Mo: Ogie Diaz may hugot sa isyu nina Carlos at Chloe sa Yulo family
Narito ang mga reaksiyon ng netizens sa tila pang-uurot ng nanay at tatay ni Caloy na nasa gitna na naman ng kontrobersya dahil sa sinabi niyang hindi niya iimbitahan ang kanyang parents sa wedding nila ni Chloe San Jose.
“Asar-talo si Chloe hahahaha!”
“Lakas mang-asar. Isama mo si mudrakels para mas powers!!”
“Momshie mag renew kayo ni daddy mark ng vows im sure dami aatend dami nyo friends eh ansaya siguro.”
“Magpakasal ulit kayo, red ang motif, red is love.”
“Miss A nakupo me kamukha ka dito si ‘wish ko lang’ host sino nga yun?? hahaha si duding kamukhang kamukha agree ako dyan !!!”
“Pak! Pakasal po ulit kayo pupunta ako kahit hindi ako invited.”
“Huwag ganun anak pa din yun, bahala na si Lord pumitik sa mga suwail na anak.”
Matatandaang sinabi ni Carlos sa isang panayam na baka hindi invited ang magulang niya sa wedding nila ni Chloe, “For me, I think, ’cause, yung kasal po namin ‘yan and ako po yung… kami po, relationship po namin ‘yan.
“And mas pipiliin kong kami na lang and mas…paano ba? Ayaw ko ding masira yung moment namin para sa aming dapat dalawa,” saad ng binata.
“Ayaw ko yung ano, eh, paano po ba, mamantsahan pa. And madami na din silang, madami na silang ginawa na pinatawad ko na and hanggang doon na lang din po. So, hindi po.
“Yes po, gusto ko sa amin lang po yun, and I really want it to be really full of love and joy kapag nangyari po yun,” aniya pa.
The post AI video ng parents ni Carlos Yulo sa simbahan pang-asar kay Chloe appeared first on Bandera.
