MUKHANG hindi na nga apektado ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas sa muling pagpapakasal ng ex-husband niyang si Gerald Sibayan.
In fairness, very open ang komedyana sa pagbibigay ng pahayag sa sitwasyon ngayon ni Gerald matapos siyang iwan at hiwalayan nito.
Hirit nga ni Ai Ai buti raw hindi siya kinuhang ninang sa kasal dahil talagang mapipilitan siyang magbigay ng advice sa bagong wifey ni Gerald.
Kuwento ng veteran actress, wala raw siyang kaalam-alam na magpapakasal na uli si Gerald at nalaman na lang niya ito mula sa isang kaibigan.
“Wala. Parati naman akong walang idea sa gagawin niya sa akin eh,” chika ni Ai Ai sa pilot episode ng bagong talk show sa GTV na “Kalurks”.
Tungkol naman sa naging reaksyon ng kanyang mga anak sa muling pag-aasawa ng ex-husband, dedma lang daw ang mga ito.
“Kasi, two years na rin naman kami na waley na,” ani Ai Ai.
Patuloy pa niya, “Pero ang masasabi ko lang talaga, na buti na lang, dito sa pangyayari na ‘to, nag-trend na, buti na lang, hindi niya ako kinuhang ninang.
Baka Bet Mo: AiAi Delas Alas hindi kayang ipa-deport si Gerald Sibayan: Baka magalit si Lord!
“Kasi, kapag ninang ka, bawal kang tumanggi. So, kung bawal kang tumanggi, ako na ‘yung magiging second na magulang nila.
“So, siyempre, kung second na magulang ako, bibigyan ko ng payo ‘yung girl. Sasabihin ko sa kanya, ‘Girl. O, mag-ingat ka. Baka mamaya, magaya ka sa akin.’
“’Malay mo, 10 years from now, 5 years from now, 2 years from now, magiging ang tanging ina ka rin,’” hirit na chika pa ng komedyana.
Kung may wish naman siya para kay Gerald, “I wish him well. Kasi ‘di ba, ayoko naman nang mag-wish sa tao ng hindi maganda.
Ano naman ang maibibigay niyang advice sa mga kababaihan pagdating sa usaping pag-ibig at pakikipagrelasyon?
“Siguro ang maipapayo ko lang sa kanila du’n sa girls, mahirap kasing magpayo, kasi hindi naman natin alam kung ano-ano ang mga kapalaran natin.
“Magpayo man ako, tapos suwerte ka talaga sa pag-ibig. May suwerte, may hindi. Kasi, naniniwala ako na ang pag-aasawa, suwerte ‘yan,” saad ni Ai Ai.
The post Ai Ai delas Alas sa bagong misis ni Gerald Sibayan: Girl, mag-ingat ka… appeared first on Bandera.
