Aby Marano nag-retire na sa paglalaro ng volleyball: All is well now

Aby Marano nag-retire na sa paglalaro ng volleyball: All is well now

INANUNSYO na ng volleyball player na si Aby Maraño na mamamaalam na siya sa kanyang volleyball journey matapos ang mahigit dalawang dekada.

Sa kanyang Facebook page, inilabas niya ang kanyang opisyal na anunsyo sa pamamaalam sa sport na minahal na niya mula pa noong bata.

“Some goodbyes hurt more than others. And this one… hurts more than I ever imagined,” panimula ni Aby.

Pagpapatuloy niya, “For 22 years, dito ako umuwi. Dito ako natutong mangarap. Dito ako natutong matalo. Dito ako natutong bumangon. Dito ako natutong lumaban.”

Baka Bet Mo: Joshua Garcia puring-puri ng volleyball player na si Aby Maraño: ‘Napakabait niya!’

Sa loob ng 22 taon, nasanay na si Aby na alam na niya paggising pa lang ang gagawin.

“I gave volleyball my youth— I surrendered myself. Dito ko natutunan ang disiplina, lakas ng loob, kumpiyansa, teamwork, leadership, at kung paano lumaban kahit gaano kahirap,” lahad pa niya.

Kaya naman kung tatanungin si Aby kung uulitin pa ba niya ang lahat, walang pag-aalinlangan niya itong pipiliin at gagawin.

“IN A HEARTBEAT. Because volleyball gave me a life I never imagined I would have. It gave me the privilege of wearing the jersey with PHILIPPINES  across my chest.

“It gave me teammates who became sisters, coaches who became mentors, opponents who pushed me to become better, and people who believed in me even when I didn’t believe in myself. Lahat walang tapon,” sabi pa ni Aby.

Halong bigay at kasiyahan ang nararamdaman ngsyon ng manlalaro sa pag-aanunsyo ng kanyang pamamaalam sa professional volleyball.

Pagbabahagi ni Aby, “Hindi ito isang overnight decision. For 22 years, ito ang mundo ko. At matagal ko nang alam na darating ang araw na kailangan kong isara ang kabanata bilang propesyunal na manlalaro ng balibol sa bansa. Mas masakit pa ‘to sa pakikipagbreak sa tao, sobrang sakit. Hindi ko alam kung saan ilalagay yung sakit. But when that moment finally came, somewhere between the tears and the sadness, may isang bagay akong naramdaman na hindi ko rin ine-expect: KAPAYAPAAN.

“Ready na ako. Hindi dahil hindi ko na mahal ang volleyball. Hindi dahil hindi ko na kayang maglaro. But because after 22 years, alam kong naibigay ko na ang lahat. Wala na akong hinahabol pa sa karera ko. Nasulit ko na. Naibuhos ko na. At higit sa lahat, wala akong ‘what ifs.’”

Alam ni Aby na ibinigay niya ang lahat at wal siyang pagsisisihan.

Malungkot lang siya dahil tila mamamaalam rin siya sa routine at lifestyle niya dahil 22 years na niya itong ginagawa. Pero aminado rin siya na may excitement siyang nadarama dahil alam niyang may buhay pa siya sa labas ng court.

“And for the first time, I’m ready to discover what that life looks like. Natutunan ko na may mga kabanatang kailangang matapos not because they weren’t beautiful, but because they have already given you everything they were meant to give. At minsan, ang pamamaalam ay hindi ibig sabihin ng pagsuko. Minsan, kailangan mo lang tanggapin na may mga bagay na nagtatapos para magkaroon ng espasyo para sa mas magandang bagay.,” sabi pa ni Aby.

Hindi naman siya tuluyang mamamaalam sa volleyball dahil parte na niya ito at lagi soyang bukas sa tuwing maiimbitahan siya.

Nagpasalamat naman siya sa lahat ng mga taong naging bahagi at sumuporta sa kanyang journey sa pagiging volleyball player.

Nagbigay naman siya ng mensahe sa kanyang younger self.

“Look at you. You made it. Nakapaglaro ka para sa Pilipinas. Nasuot mo ang jersey na minsan pinapangarap mo lang. Naging team captain ka. Naging inspirasyon ka ng ibang tao. Nakipaglaban ka sa mga laban na hindi mo akalaing malalampasan mo. Nadapa ka. Umiyak ka. Bumangon ka. At higit sa lahat, ibinigay mo ang lahat.

“Kaya ngayon, little girl… you can rest.  You did enough. You were enough. And finally all is well now. Thank you, volleyball,” sabi pa ni Aby.

The post Aby Marano nag-retire na sa paglalaro ng volleyball: All is well now appeared first on Bandera.

Source link