NANGAKO ang ABS-CBN na susuriin ang ilang episodes ng “Pinoy Big Brother Collab 3.0” matapos makatanggap ng higit 100 reklamo ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).
Ngunit ayon sa TV network, hindi pa nila natatanggap ang pormal na abiso mula sa MTRCB kaugnay sa mga reklamo.
Nagpahayag din ng kahandaan ang ABS-CBN na makipagpulong sa MTRCB upang mapag-usapan ang mga sinasabing reklamo ng manonood.
Idiniin din ng network na pawang positibong kaugalian at respeto sa kapwa ang isinusulong ng PBB.
Baka Bet Mo: PBB ex-housemate Christian Morones ibinuking nomination process ng PBB?
‘PBB’ has always promoted positive values and respect for others. With Kuya’s guidance, housemates reflect on their actions and learn from their experiences. Their welfare and well-being remain our top priority,” dagdag pa nila.
Una nang inanunsyo ng MTRCB ang pagkakatanggap ng higit 100 reklamo mula sa manonood ng kilalang reality show.
Pinaalalahanan na rin ang pamunuan ng PBB na mag-ingat at tiyakin na ang bawat episode ay nakakasunod sa angkop na “age classification” na itinakda sa sikat na programa.
The post ABS-CBN sisilipin inireklamong episodes ng Pinoy Big Brother appeared first on Bandera.
