Partner ni Ninong Ry 2 beses nakunan: Masakit, siyempre!

Partner ni Ninong Ry 2 beses nakunan: Masakit, siyempre!

Ninong Ry, Belle Cruz at Baby Rafa

DALAWANG beses nakunan ang partner ng food content creator na si Ninong Ry bago sila muling biyayaan ng anak.

Naibahagi ni Ninong Ry ang pinagdaanan nilang pagsubok sa buhay ng kanyang dyowang si Belle Cruz nitong mga nagdaang taon.

Kuwento ng sikat na vlogger, bago isilang ang second child nila ni Belle na si Rafa last October, dalawang beses nagkaroon ng miscarriage ang kanyang partner in life.

“Bago ipanganak si Rafa, nakunan kami nang dalawang beses. Masakit, syempre. Tinanggap na lang namin kasi baka may plano si Lord para sa amin,” simulang pagbabahagi ng vlogger sa kanyang social media post.

Nang mabuntis uli, doon nila nalaman na may Antiphospholipid Antibody Syndrome (APAS) si Belle, isang kundisyon na maaaring malagay ang isang babae sa “pregnancy complications” kabilang na ang pagkawala ng sanggol.

Ani Ninong Ry, “Syempre, ayaw na naming maulit yun. Ginawa namin ang lahat. Sandamakmak na gamot, araw-araw na injection. Pero ok lang.

“Sa totoo lang, ang lahat ng hirap eh asawa ko ang tumangke. Sobrang lakas niya. Ayun, ‘di nagtagal, pinanganak na si Rafa,” lahad ng food vlogger.

Baka Bet Mo: Ninong Ry laging biktima ng baha: Tama na! Hindi natin deserve ‘to. Ayusin n’yo!

Hirit pa niya sa kanilang second baby, “Healthy at higit sa lahat, kamukha ko.”

“Para sa aming Rainbow Baby na si Rafa, happy first month! Salamat din talaga sa @niceprintphoto. Napakahusay n’yo!” mensahe pa ni Ninong Ry.

The post Partner ni Ninong Ry 2 beses nakunan: Masakit, siyempre! appeared first on Bandera.

Source link