INATAKE ng matinding depression ang aktor at visual artist na si Jao Mapa dahil sa breakup nila noon ng kanyang ex-girlfriend.
Ito ang dahilan kung bakit bigla niyang iniwan ang mundo ng showbiz kahit pa kasagsagan ng kanyang karera noong dekada 90.
Inalala ni Jao ang mga naging karanasan niya sa pakikipagrelasyon kasabay ng pag-aartista niya ilang taon na ngayon ang nakarararaan.
“I was young then. I knew I had money coming in. money, fame, power. Tsaka nagtatrabaho ako doon 24/7 almost.
“For seven years sabihin na natin, from 1993 to 1999, napagod ako noon,” simulang kuwento ni Jao sa panayam ng “Kay Susan Tayo! Vlogs”.
Ang breakup nila ng kanyang non-showbiz girlfriend ang rason ng pag-quit niya sa showbiz na talagang nakaapekto sa kanyang mental health.
“I had a girlfriend at that time outside showbiz. And I know ‘yung breakup na ‘yun nasobrahan, na-in love ako doon sa babaeng ‘yun. ‘Yung breakup na ‘yun, ang rason kung bakit I got into a depression,” pagpapatuloy ni Jao.
Aniya pa, “I was at the peak of my career. I couldn’t handle the heartache. ‘Yun ang dahilan kung bakit umalis din ako ng showbiz.
“And I said, I’d like to take a break. Actually not take a break, but I said, I’m gonna leave showbiz,” saad pa ni Jao.
Baka Bet Mo: Jao Mapa si Rosanna Roces ang TOTGA; may pinagsisihan
Bukod dito, inamin din ng aktor na na-burnout siya noon, “It was because probably of mix na, eh. pagod saka heartbreak. So, parang na-burnout ako.”
Pagse-share pa ni Jao sa naging buhay niya noon bilang artista, “I also meant na ‘pag nasa showbiz ka at nasa peak ka, kailangan you have to please everybody around you.
“From your fans, manager mo, producer mo, kailangan ito gawin mo, gawin mo. And you have to be 101%.
“Nawala na ‘yung sense ng kung anong gusto ko, na ako naman. Pero for seven years, ito ‘yung takbo ng buhay mo na parang robot.
“Sunod ka lang, sunod. Sabi ko sa sarili ko, gusto ko mabalik ‘yung ano naman ang gusto ko. Burned out, basically. And I got depressed after that,” rebelasyon ni Jao.
Sa tanong kung may pinagsisisihan ba siya sa paglayas noon sa showbiz, “Wala. It was just a journey. Been there, done that. I saw, I came, I conquered. Okay na ako doon.
“But, going to another chapter in my life, I think if I didn’t leave showbiz, Tita, I won’t have a family. If I didn’t leave showbiz, I don’t think I’d be a painter right now,” lahat ni Jao.
“Dito ko rin nahanap ang Panginoon. Siya nang gumagabay sa akin, sa pamilya ko. At nandito ako ngayon para bumalik,” sabi ni Jao na muling mapapanood sa telebisyon sa upcoming GMA series na “Hari ng Tondo.”
The post Jao Mapa nag-quit sa showbiz, inatake ng depresyon dahil sa babae appeared first on Bandera.
