ISANG araw lang matapos ma-engaged, ikinasal din agad ang social media stars na sina Zara Lopez at Simon Javier!
Ang masayang balita ay nakabandera mismo sa kanilang social media pages.
September 17 lamang nang ibinandera ng dating Viva Hot Babe member ang masayang anunsyo na engaged na siya kay Simon.
Ibinandera pa nga niya ang Instagram Reel na mapapanood kung paano nag-propose sa kanya ang mister.
Ang caption pa nga niya riyan: ““Finally! Thank you, Lord! Fiancée na ako ni Simon. Future wife. The real deal.”
Baka Bet Mo: AiAi dedma sa muling pagpapakasal ni Gerald Sibayan: ‘Hindi ako apektado’
<iframe src=" width="267" height="476" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share" allowFullScreen="true"></iframe>
Kinabukasan, ginulat ng couple ang madlang pipol nang ibandera naman nila na sila ay ikinasal na!
Sa Facebook, nag-update ng profile picture si Zara na makikita ang masayang wedding photo nila.
Ang sabi pa niya riyan: “No more co-parenting… just got married [emojis].”
<iframe src=" width="500" height="564" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share"></iframe>
Kung matatandaan noong 2024, matapos ang kanilang paghihiwalay, napag-usapan nina Zara at Simon ang pagiging co-parents para sa kanilang anak na si Sapphire.
Sa kabila nito, hindi tuluyang isinara ni Zara ang posibilidad na muli silang magkabalikan.
Samantala, ayon kay Simon, naging mahalaga sa kanilang reconciliation ang healing, forgiveness at higit sa lahat, ang kanilang pananampalataya.
Para naman kay Zara, malinaw na may mas malaking plano para sa kanilang love story.
“God really writes the best love stories. God’s plan ito so praise Jesus!” aniya.
The post Zara Lopez engaged na, diretso kasal kay Simon Javier: ‘The real deal!’ appeared first on Bandera.
