PDLs sa San Juan City Jail natutong gumawa ng pouch bag para kumita

PDLs sa San Juan City Jail natutong gumawa ng pouch bag para kumita

PHOTO: Courtesy of San Juan City Jail–Male Dormitory

HINDI hadlang ang pagkakakulong para matuto ng bagong kasanayan at makapaghanda sa panibagong buhay!

Patunay rito ang sampung persons deprived of liberty (PDL) mula sa San Juan City Jail–Male Dormitory na sumailalim sa limang araw na Skills Training on Pouch Bag Making para magkaroon ng dagdag na kaalaman na maaari nilang pagkakakitaan.

Sa pangunguna nina Emalyn B. Contillo at Timothy Justine D. Licudine, mga trainer mula sa Skills and Livelihood Training Center ng San Juan City, natutunan ng mga kalahok ang iba’t ibang pamamaraan at kasanayan sa paggawa ng pouch bags.

Hindi lamang basta paggawa ng mga bag ang layunin ng programa. 

Baka Bet Mo: 10 PDL sa Metro Manila nagtapos ng Senior High sa La Salle Green Hills

Higit sa lahat, nais nitong mabigyan ang mga PDL ng oportunidad na malinang ang kanilang talento at magkaroon ng kakayahang pagkakitaan sa oras na makabalik sila sa kanilang komunidad.

Naisakatuparan ang aktibidad sa pamamagitan ng pagtutulungan ng San Juan City Jail–Male Dormitory, sa pangunguna ni JCINSP Edilberto R. Palmera, City Jail Warden, at ng mga kawani ng San Juan City Skills and Training Center.

Patuloy namang isinusulong ng pasilidad ang mga programang naglalayong bigyan ng pagkakataon ang mga PDL na matuto, malinang ang kanilang kakayahan, at maging handa sa panibagong yugto ng kanilang buhay.

Dahil hindi naman natatapos sa likod ng rehas ang pangarap na magkaroon ng mas magandang kinabukasan. 

The post PDLs sa San Juan City Jail natutong gumawa ng pouch bag para kumita appeared first on Bandera.

Source link