“ANSWERED prayer” para sa award-winning actress at host na si Gladys Reyes ang makapag-record ng sariling kanta with matching bonggang music video pa.
Pak na pak ngayon ang kanyang debut single na “Primera Kontrabida” pati na ang bagong release na MV nito kung saan may special participation ang kanyang kaibigang si Judy Ann Santos.
Ginamit kasing peg ng nasabing music video ang iconic ABS-CBN series nina Gladys at Juday na “Mara Clara”.
Bukod kay Judy Ann, ka-join din sa MV ng “Primera Kontrabida” mula sa Star Music ang gumanap na nanay at tatay niya sa “Mara Clara” na sina Susan Africa at Juan Rodrigo.
Nanggulat din sa music video si Wowie de Guzman, at ang iba pang members ng dating grupong Universal Motion Dancers, at siyempre ang asawa ni Gladys at co-star din niya sa “Mara Clara” na si Christopher Roxas.
“Mahilig lang talaga ako kumanta pero hindi ko na akalain na magkakaroon din ako ng single, and I’m grateful for this answered prayer,” ani Gladys sa naganap na media launch ng “Primera Kontrabida” MV.
Talagang kinarir ng premyadong aktres ang paghahanda sa kanyang kauna-unahang single.
“Of course, I took up voice lessons din po. Ayoko naman mapahiya. Maraming, maraming rehearsal po sa bahay, kanta-kanta, mga favorite songs ko. I’ve been singing po talaga. Marami lang hindi nakakaalam,” saad ng aktres.
“Hindi lang sa singing, pati sa pag-arte. Ano man po yung papasukin ko, dapat dumating ka ng handa ka. Respeto rin po kasi yun sa oras ng iba. Ayaw mo naman magtagal dahil lang sa hindi ka dumating ng prepared,” sey pa niya.
Baka Bet Mo: Judy Ann: Ayokong mag-pretend na matalino ako o isa akong kolehiyala
“Sana naramdaman nila kung ano yung gusto namin iparating na it’s very nostalgic, iconic. Yung aming serya noon ay naging part na ng pop culture, di ba? So sana muli namin silang naibalik sa ganong era, kumbaga,” hirit ni Gladys.
“Nai-enjoy ko lang po at this moment yung sinasabi nilang from kontrabida to kontra-diva,” chika pa ng magaling na kontrobida.
Hirit pa niya, “Hindi ko maipapangako ang napakagandang boses, pero yung entertainment na ibibigay ko sa kanila, siguraduhin ko sulit na sulit.”
Tinanong ng BANDERA si Gladys kung posible bang magkaroon din sila ng collab ng BINI ar SB19.
“Oh yes, siyempre! Ako pa ba naman, aarte? Siyempre, di ba? Oo naman! Nakakatuwa ‘yon. I would love to do a collaboration with BINI or SB19, or kahit sino. Open ako to that.
“Actually, there was this time na nag-message din ako kay Chito Miranda (ng Parokya ni Edgar) tungkol sa collaboration, and game siya! So, di ba? Let’s see.
“Open ako. Sobrang excited lang ako sa mga nangyayari ngayon. Siguro, one step at a time. Pero nakakatuwa po ‘yung sinabi ninyo tungkol sa collaboration with BINI or SB19. Ako, sobra akong game diyan. Ano bukas na?!” ang tumatawang sey ni Gladys.
The post Gladys Reyes game na game makipag-collab sa BINI, SB19: Aarte pa ba!? appeared first on Bandera.
