Wish ni Rica Peralejo sa Pasko: Citizenship sa isang maayos na bansa

Wish ni Rica Peralejo sa Pasko: Citizenship sa isang maayos na bansa

Rica Peralejo

IBINANDERA ng aktres na si Rica Peralejo kung anong regalo ang nais niyang matanggap sa darating na Pasko.

Game na game na sumagot si Rica sa tanong ng Kapuso host at dating beauty queen na si Joy Barcoma sa mga user ng Threads.

Nag-post ng question si Miss Earth Philippines 2025 sa naturang social media platform, “Kung reregaluhan ka sa Pasko at di masyado makapal ang fez mo, ano gusto mo matanggap?”

In fairness, maraming sumagot sa tanong ni Joy at inisa-isa nga ang kanilang wish matanggap na Christmas gift.

Pero ang pinag-usapan nga ng mga netizens ay ang naging tugon ni Rica na may hugot sa kanyang pagiging Pilipino at sa sitwasyon ngayon ng Pilipinas.

“Citizenship sa isang maayos na bansa,” ang sagot ng aktres sa post ni Joy.

Narito ang naging reaksiyon ng mga Threads users sa hugot ni Rica.

“Guys… There are two options here: Magpalit ng citizenship or maayos ang Pilipinas. Of course, masakit na one is more doable than the other.”

“Wag n’yo naman iwanan ang Pilipinas baka wala na matira haha.”

Baka Bet Mo: Joy Barcoma bet ipasok sa PBB house mga kakandidato sa 2028

“Right?? Like… Don’t we all wish for that?”

“Kung may pera lang pangmigrate, lalayas talaga here.”

“Yes same! Hndi kami nagkamali to migrate. Ngayon, otw to our citizenship sa 2028.”

Isa si Rica sa mga celebrities na lantarang nagpapahayag ng kanyang saloobin at pagkadismaya sa mga nangyayaring gulo at korapsyon sa bansa.

Sa nauna niyang socmed post, nasabi na rin niya ang kagustuhang manirahan na lang sa ibang bansa, dahil sa nakalulungkot na sitwasyon sa Pilipinas. 

Aniya, nanghihinayang siya sa pinalagpas niyang pagkakataon na maging US citizen noong bata pa siya dahil maganda naman daw ang mga nangyayari sa buhay niya sa Pilipinas that time.

Ang advice niya sa younger generation, kung may chance  huwag daw gayahin ang mga naging “mistakes” niya. 

The post Wish ni Rica Peralejo sa Pasko: Citizenship sa isang maayos na bansa appeared first on Bandera.

Source link