GAME na game na sinagot ni “The Voice USA” 2024 grand champion Sofronio Vasquez ang tungkol sa kanyang gender preference.
Hanggang ngayon kasi ay may mga kumuwestiyon sa kanyang pagkalalaki at kung kani-kanino pa siya inili-link.
Nakachikahan ng BANDERA si Sofronio at ng tatlo pang miyembro ng entertainment media at isa nga sa mga naitanong sa kanya ay ang hindi mamatay-matay na isyu about his gender.
Sa halip na mainis at mapikon, dinededma na lang daw ng singer ang tungkol dito.
“No. I appreciate everything. I appreciate everyone. So, if they say something about my personal life, I don’t mind,” ang pahayag ni Sofronio.
Natatawa na nga lang daw siya kapag nakakabasa o nakakarinig ng balita na kung kani-kanino ikinakabit ang pangalan niya.
“Oo, nakakatawa ngayon. Minsan sinasakyan ko na rin. Pero sinasabi ko na nga po. Mas maganda ngayon, napag-usapan ka.
“Whether… I mean, it’s ano lang yun, e. It’s how you respond to a topic or to an issue.
Baka Bet Mo: Sofronio Vasquez nakatanggap daw ng ‘maleta’ kay PBBM: FAKE NEWS!
“Huwag naman yung personal na makaka-risk na ng security ng family ko or mismo sa sarili ko. Pero other than that, okay lang.
“Generally, masaya ako na napag-usapan ako. Pero sana, yung pag-uusap na positive. Pero pag may negative, okay lang din. Parang lilipas din yan,” ang positibong pananaw ni Sofronio.
Ang tanging concern lang daw niya ay yung malagay sa alanganin o panganib ang kanyang pamilya.
Walang binanggit na mga detalye si Sofronio pero posibleng ang tinutukoy niya ang ang pinagdaanan ng kanyang pamilya noon sa Ozamis City.
“Yung ano lang, e… yung para sa security lang ng family ko. Kasi sa amin, we’ve been through a lot. Kasi yung mga sinasabi na… I can explain later siguro du’n sa security ng family namin.
“Yung sinasabi nila na sa Mindanao, oo. I mean, just in case kung totoo man yung nangyari sa family ko…
“The sins of my family is not my sin. Kung ano man, alam mo yun. Sana, magkaroon sila ng tamang pagsasalaysay.
“Kasi nangyari na yun, alam mo yun. Pero pag babalikan ko, wala na talaga akong magagawa. I’m just here to move forward.
“I cannot deny that I’m part of that family. So, I’m happy. I’m happy, and even proud na despite du’n sa mga challenges, I’m here.
“I’m talking to everyone na dati hindi ko naman kayo makikilala, alam mo yun,” ang pahayag pa ni Sofronio.
The post Sofronio Vasquez sinagot isyu sa kanyang pagkalalaki: I don’t mind appeared first on Bandera.
