Pepita Curtis na-shock sa ginawa sa kanya ni Ate Gay bago pumanaw

Pepita Curtis na-shock sa ginawa sa kanya ni Ate Gay bago pumanaw

Ate Gay at Pepita Curtis

NAGKAROON ng samaan ng loob at hindi pagkakaunawaan ang mga komedyanteng sina Pepita Curtis at Ate Gay.

Nagpapasalamat si Pepita na napapanood ngayon sa seryeng “Born to Shine” ng GMA 7 na bago namayapa si Ate Gay ay nagkaroon sila ng chance na maayos ang kanilang pagkakaibigan.

Pumanaw si Ate Gay o Gil Aducal Morales sa tunay na buhay noong November 1, eksaktong All Saints’ Day, matapos makipaglaban sa cancer.

Sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” kay Pepita, inamin niyang hindi maganda ang relasyon nila ng kanyang “Super Mom” bago ito mawala.

“Kasi two months akong nawala, nasa UK ako. Pagkauwi ko, medyo on and off kami na mag-ina, ni Ate Gay. 

“Meron kaming away, tapos bati kami. So mga two months, medyo hindi kami nag-uusap, hindi pagkakaunawaan,” kuwento ng Kapuso comedian.

Kaya pag-uwi raw niya sa Pilipinas noong Agosto, expected na niyang hindi siya kakausapin o papansinin ni Ate Gay.

Alam daw kasi niyang wala sa ugali nito ang lumapit sa junior sa kanya sa mundo ng comedy bar, kahit siya pa ang may kasalanan.

Baka Bet Mo: Kirara Kawai ika-4 na stand-up comedian na pumanaw ngayong Oktubre

“Lumaki ako sa comedy bar na ganu’n si Mama. Ganu’n siya na kahit siya minsan ‘yung nakakasakit, pero dapat talagang ikaw ‘yung mag-aano sa kanya, bilang respeto sa kanya,” ani Pepita.

Pero na-shock daw siya nang si Ate Gay pa ang unang bumati sa kanya noong magkita uli sila, na never umanong ginawa ng kilalang impersonator ni Superstar Nora Aunor.

“Siya talaga ‘yung unang nag-approach na hindi ginagawa ni Ate Gay, ‘yun kasi as pioneer, nanay-nanayan, kami talaga muna ‘yung dapat mag-a-approach. 

“Pero this time, nagulat ako, bigla na lang niya akong kinausap. ‘Uy, ang taba mo na, ah?’ sabi niya sa ‘kin,” pag-alala ni Pepita.

“Kaya sabi ko talaga, ‘Lord, salamat, kasi bago mawala si Ate Gay, ‘yung two months na nawala ako, ‘yung two months na hindi kami nag-uusap, pag-uwi ko sa Pilipinas, okay kami bago siya mawala,” ang saad pa ni Pepita Curtis.

The post Pepita Curtis na-shock sa ginawa sa kanya ni Ate Gay bago pumanaw appeared first on Bandera.

Source link