INALALA ng OPM hitmaker na si Nyoy Volante ang isang hindi niya malilimutang experience sa dating karelasyong si Nina.
May kaugnayan ito sa hit song na “Someday” na kinanta at pinasikat ng Soul Siren na si Nina na si Nyoy ang nag-compose.
Sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda”, ibinahagi ni Nyoy ang kuwento sa likod ng “Someday” na maituturing nang isang classic sa mundo ng OPM.
Pagbabahagi ni Nyoy, may hinahabol na deadline raw si Nina that time para sa album nito.
“But also, nu’ng panahon na ‘yun, I was actually writing this for myself. Pero ako, nagbubuo pa lang ako ng album. And then, siya, patapos na ‘yung album niya.
“And then, she needed like two more songs. So I wrote one song for her. This one was supposed to be mine. Kaya lang, nagde-deadline na,” saad ni Nyoy.
Patuloy pa niya, “So, kesa bumuo pa ako ng isang awitin, sinama ko na lang itong ‘Someday.’ And then, eventually, she made it very famous.
“I’m actually very grateful to this song kasi ito ‘yung awitin ko na umabot na ng international. Everyone wants a version. Koreans have been reaching out to me.
Baka Bet Mo: Ice Seguerra sa mga nag-post ng full video ng concert: Please take them down
“Kasi before, hindi pa ito masyadong uso sa atin, ‘yung mga permission, permission to do versions.
“So ngayon, parang everyone’s being very formal about it. And then, at ‘yun, sabi nila, baka we can do a version,” lahad pa niya.
Kinumusta din ni Tito Boy si Nyoy ang estado ng relasyon nila ni Nina after ng hiwalayan nila noong 2007.
“Okay naman. I mean, everyone’s moved on. Pareho kaming may asawa na. I don’t think there’s a reason anymore right now to reach out to each other.
“Pero ako, I can’t really speak for everyone else. Ako, wala akong problem. I’m just here,” sagot ni Nyoy.
“I do what I need to do. I’m very happy with the family and the life that I have right now. So okay na ‘yun. I’m good,” aniya pa.
Bukod sa mga concert, napapanood din ngayon si Nyoy sa GMA Afternoon series na “Born to Shine.”
The post Nyoy Volante may rebelasyon kay Nina: Wala akong problem, I’m just here appeared first on Bandera.
