“MATAGAL nang sarado. Wala nang anything na makakapagbago.”
Ito ang sinabi ni Naga City Mayor Leni Robredo matapos muling tanungin hinggil sa posibleng pagtakbo sa 2028 presidential race.
Ayon pa dating pangalawang pangulo, ang mga kumukumbinsi sa kanya na muling sumabak sa presidential race ay ang mga dati rin niyang kaalyado noong 2022 presidential campaign.
Nabanggit din niya na nilinaw na niya sa mga kaalyado na pinal na ang kanyang desisyon at hindi na ito magbabago pa.
Baka Bet Mo: Mayor Leni nagsalita sa isyu ng P500-M para sa Robredo Coliseum
Idinagdag pa niya na kahit hindi na siya sumabak sa mayoralty election sa Naga City sa 2028, hindi na rin siya mag-aasam sa anumang pambansang posisyon.
Noong 2022 lumahok si Robredo sa presidential election at tinalo siya ni Pangulong Marcos Jr.
The post Leni Robredo hindi tatakbo sa 2028 presidential race: Matagal nang sarado! appeared first on Bandera.
