Vivamax bombshell Alecca Adarna umaming may ADHD

Vivamax bombshell Alecca Adarna umaming may ADHD

Shiena Yu at Alecca Adarna

NAGING bukas ang Vivamax actress na si Alecca Adarna sa kanyang mental health issue nang humarap siya sa entertainment media recently.

Si Alecca ang isa sa mga host ng latest content ng VMX, ang “Bida Max” with Shiena Yu, mula sa direksyon ni Christian Paolo Lat.

Bukod sa pagiging aktres, isa ring negosyante, painter, pilates instructress at certified acupuncturist si Alecca.

Kuwento ng dalaga, na-diagnose siya ng ADHD noong nasa high school siya pero siniguro niyang hindi ito magiging hadlang sa pagtupad sa kanyang mga pangarap sa buhay. 

Base sa isang health website, ang ADHD o attention deficit/hyperactivity disorder, ay isang kondisyong neurodevelopmental (may kinalaman sa pag-unlad at paggana ng utak).

Maaari itong ipaliwanag bilang isang karamdaman o kondisyon ng hirap sa pag-focus o pagbibigay ng atensyon, labis na pagkabalisa o pagiging hyperactive, at biglaang pagkilos nang walang plano.

“At a very young age, I had trouble talaga with school. I was not the normal kid. I was very rowdy, hard to teach, so my family always had trouble with that.

“Fourteen years-old, fifteen years old was my troubling years talaga,” ang rebelasyon ni Alecca.

Dagdag ng dalaga, “In Cebu naman, hindi big yung mga medication, mental illness. We’re in the province so weren’t really informed.

“Ngayon lang naman yung wave na we understand more about mental illness, but I wouldn’t really consider it as a mental illness. It’s more of like a learning disability,” esplika ni Alecca Adarna.

Baka Bet Mo: Vivamax star inalok ng mayor, senador ng one-night stand; P300K ang tip

“I worked through it. It can be challenging especially when I read lines, memorized lines. but there’s a pro to it. Like me, I have tried working corporate but it’s not forever.

“For the kind of mind I have, perfect yung mga entrepreneurship endeavors, creative ideas. I can do 10 roles and do a good job at it.

“But yung normal roles that people do on a daily basis, I can’t really commit to that.

“Nagbi-business ako, ginagawa ko yung gusto ko at yung creative ideas ko, nag-a-art din ako so I paint, I express my emotions, I also dance,” lahad pa ni Alecca.

Samantala, ang “Bida Max” ay isang 70-minute special feature kung saan muling sasariwain ang mga unang VMX movies na tumatak at ang mga bidang naging Vivamax leading ladies. 

Powerhouse ang mga artistang tampok sa special feature na ito kabilang sina AJ Raval, Apple Dy, Aiko Garcia, Christine Bermas, Angela Morena, Jenn Rosa, Azi Acosta, at Angeli Khang.

Balikan kung paano sila nagsimula sa maliliit na roles hanggang sa sila na ang naging bida sa sarili nilang mga pelikula.

Isa sa mga iha-highlight sa special feature na ito ay si AJ Raval at ang naging breakout movie niya sa VMX, ang “Paglaki ko, Gusto Kong Maging Pornstar”. Babalikan din natin ang kaniyang first major solo lead role sa pelikulang “Taya.”

Tampok din sa feature si Aiko Garcia, na ginulat ang mga manonood sa “High On Sex.” Marami rin ang naakit sa kanyang pagganap sa first-ever leading role niya sa VMX na “Haliparot.”

Kasama rin sa mga bida ang nakasama ni Aiko Garcia sa “High On Sex” na si Apple Dy. Muli ring sariwain ang kaniyang pagganap sa kauna-unahan niyang lead role sa VMX na “Punit na Langit.”

Muli ring mapapanood ang mga pelikula ni Christine Bermas na “Siklo” at ang kauna-unahan niyang major role sa “Moonlight Butterfly.”

Featured din si Angela Morena pati ang mga pelikula niyang “Kinsenas Katapusan” at ang “X-Deal 2”, kung saan first time niyang maging co-headliner.

Hindi rin magpapahuli ang mga pelikula ni Jenn Rosa na “Bisyo”, kung saan ginampanan niya ang first-ever role niya sa VMX, at ang “TL”, na naging first lead role naman niya.

Balikan din ang naging supporting role ni Azi Acosta sa “Sitio Diablo” at ang kanyang breakout lead film na “Pamasahe.”

Hindi kumpleto ang throwback feature kung wala si Angeli Khang, na unang napanood sa VMX sa “Taya” at mas nakilala pa ng maraming tagahanga sa kaniyang first lead role sa “Mahjong Nights.”

Walong naggagandahan at nag-uumapaw sa appeal na kababaihan. Panoorin ang special feature na ito na mula sa direksyon ni Christian Paolo Lat. 

Mas painitin pa ang inyong panonood sa paborito niyong streaming platform! I-stream na ang “Bida Max”, simula ngayong November 10, 2026.

The post Vivamax bombshell Alecca Adarna umaming may ADHD appeared first on Bandera.

Source link