REVIEW: ‘Resident Evil’ mapapakapit ka sa upuan, pero may halong katatawanan

REVIEW: ‘Resident Evil’ mapapakapit ka sa upuan, pero may halong katatawanan

PHOTO: Courtesy of Columbia Pictures

MAY bagong bangungot na naman sa sinehan at siguradong mapapasigaw ka!

Kung nami-miss mo ang classic survival-horror vibes ng “Resident Evil”, may bagong dahilan para muling mapakapit sa armrest ng sinehan. 

Ang bagong pelikulang mula sa direktor na si Zach Cregger ay may kombinasyon ng aksyon, horror, nostalgia, at ilang eksenang hindi mo maiwasang pagtawanan.

Napanood ng BANDERA ang advance screening ng “Resident Evil,” kaya nasilip ko nang maaga kung paano nito muling binuhay ang sikat na horror franchise. 

Baka Bet Mo: LIST: 6 Hollywood films na todo-pasiklab sa sinehan ngayong Setyembre

At masasabi naming hindi lang puro takutan ang inihanda nito, may mga nakakagulat na sandali rin na talagang mapapatalon ka sa upuan.

Makakatiyak din kayo na ang “Resident Evil” ay isang fun mix ng nostalgia, scares , at unexpected laughs. 

May ilang eksenang tunay na nakakagulat, pero malaking dagdag sa enjoyment ang humor at charm ng lead star na si Austin Abrams bilang Bryan. 

Sa halip na maging puro bigat at dilim ang kwento, nagkaroon ng mga sandaling pwedeng mapangiti o mapatawa ang audience.

Dito rin naging interesting ang pelikula dahil hindi lang nito sinusubukang takutin ang viewers. 

May pakiramdam itong parang isang malaking video game na ikaw mismo ang kasama sa takbuhan, habulan, at pakikipagsapalaran.

[EMBED:

Sa kwento, sinusundan si Bryan, isang medical courier na bigla na lang napasok sa isang gabing puno ng kaguluhan. 

Ang isang tila ordinaryong trabaho ay nauwi sa isang non-stop race for survival habang unti-unting bumabagsak sa chaos ang mundong ginagalawan niya.

Hindi rin biro ang naging pagtanggap dito ng critics. 

Ayon sa Rotten Tomatoes, nakakuha ang pelikula ng 97% Certified Fresh score, habang may ilang kritiko na nagsabing maaari itong maituring na isa sa pinakamagandang “Resident Evil” movie at maging isa sa mga pinakamahusay na pelikulang hango sa isang video game.

Pinuri rin ng TheWrap ang pelikula bilang “Zach Cregger’s best film” at itinampok ang performance ni Abrams. 

Samantala, tinawag naman ng Deadline ang pagganap ng aktor bilang kanyang “star-is-born breakout role.”

Para naman sa Nerdist, isa sa mga nagustuhan nila ay kung paano naipakita ni Cregger ang pakiramdam ng mismong paglalaro ng “Resident Evil,” bagay na siguradong ma-a-appreciate ng mga longtime fans ng video game.

Mukhang hindi lang sa advance screening at critics nakakuha ng atensyon ang bagong “Resident Evil.”

Pagdating nito sa Philippine cinemas, agad itong rumampa sa box office.

Sa unang araw pa lamang, kumita ang pelikula ng mahigit P10.4 million nationwide, ayon sa inilabas na impormasyon ng distributor.

Dahil dito, naitala ng bagong “Resident Evil “ang pinakamalaking opening day ng franchise sa Pilipinas, at nalampasan nito ang dating record holder na “Insidious: Out of the Further,” na apat na linggo ring nanguna bilang biggest film sa bansa.

Para sa mga naghahanap naman ng mas intense na experience, showing ang “Resident Evil” sa Philippine cinemas, kabilang ang IMAX at 4DX.

The post REVIEW: ‘Resident Evil’ mapapakapit ka sa upuan, pero may halong katatawanan appeared first on Bandera.

Source link