Cielo Eusebio napabayaan ang sarili dahil sa nagawa noon ni Nikko Natividad

Cielo Eusebio napabayaan ang sarili dahil sa nagawa noon ni Nikko Natividad

BUMAGSAK ang kalusugan ng asawa ni Nikko Natividad na si Cielo Eusebio matapos ang kontrobersiyang kinasangkutan ng asawa.

Sa naging panayam sa kanilang mag-asawa ni Julius Babao na mapapanood sa YouTube channel ng huli naging bukas ang dalawa na talakayin ang mga pangyayari.

Binisita kasi ni Julius ang Vietnamese coffee shop nina Nikko at Cielo kung saan nagkakuwentuhan sila.

Bukod sa negosyo, isa nga sa mga naging topic ay ang maselang video na gumulat sa madlang pipol.

Baka Bet Mo: Cielo Eusebio: Sasabihin n’yo di ako nandiri, nasuka?!

“Nabanggit mo na marami kayong challenges na pinagdaanan. What, for you, is the biggest challenge sa relationship n’yong dalawa?” tanong ni Julius kay Cielo.

Sagot ng asawa ni Nikko, “Of course, ‘yong recently po. ‘Yon ‘yong pinakatalaga. Kasi parang ‘yon na ‘yong dapat tuldok, e.”

Bago pa ma daw sumabog ang naturang kontrobersiya ay nasabi na ni Cielo kay Nikko na kapag nagloko si Nikko ay magtatapos na ang kanilang relasyon.

“Pero hindi po ‘yon ang plano ni Lord para sa amin. May mas maganda pang plano si Lord sa amin. Siyempre, ‘yong mga anak namin, sa relasyon namin, mas pinagtitibay pa namin,” lahad ng asawa ni Nikko.

Pero sa kabila ng kanyang pagpapatawad ay hindi naman itatanggi ni Cielo ang sakit na dulot ng ginawa ng asawa.

“Pumasok din po [sa isip ko na hiwalayan siya]. Parang three days akong hindi kumakain, umiinom [at] bumabangon.

“Sa three days na ‘yon, hindi rin ako nagpe-pray. Kasi nagalit din ako, e,” sey ni Cielo.

Dahil nga rito ay pumayat siya hanggang sa napagod na lang siya sa ginagawa sa sarili at inisip ang mga anak nila.

Ito nga ang naging dahilan ng kanyang pagpapatawad kay Nikko.

Dagdag pa ni Cielo, hindi kaduwagan kung mas pinili niyang patawarin and asawa sa kabila ng kasalanan nito.

The post Cielo Eusebio napabayaan ang sarili dahil sa nagawa noon ni Nikko Natividad appeared first on Bandera.

Source link