IBA’T IBA ang naging reaksyon ng madlang pipol sa pahayag ni Kris Aquino sa nais niyang mapangasawa ng bunsong anak na si Bimby Aquino.
Base sa mga nabasa naming comments, marami ang nagbanggit sa pangalan ng “Eat Bulaga” host na si Ryzza Mae Dizon matapos magsalita ang Queen of All Media.
Sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” kay Kris kahapon, Oktubre 28, diretsahang sinabi ni Kris na sana raw ay maganda ang babaeng magiging asawa ni Bimby.
“Ipinagdarasal ko talaga, sana maganda ‘yung girl. I’m sorry. I know it sounds na parang, ‘Wow. She hasn’t changed. Medyo mababaw!’ Pero ‘di ba Boy kasi, Bimb is the one who will carry on the Cojuangco-Aquino last name…” ani Kris.
Sa isang video clip ng panayam ni Tito Boy sa TV host-actress na in-upload sa X, narito ang ilan sa mga nabasa naming comments:
“Not the Ryzza Mae Dizon shade.”
Baka Bet Mo: Ryzza Mae Dizon pinagbantaan ang buhay kapalit ng P20k
“Oh Ryzza Mae alam mo na? HAHAHA.”
“Ligwak na si Ryzza.”
“Dun ligwak genernn si Ryzza !?!”
“Sooo hindi si Ryzza Mae.”
“So paano na si RMD?”
“Jusko sa mga taong natatawa kaka-bring up kay ryzza dito kasura mga ugali n’yo i hate to be the devil’s advocate but put b*mb*’s and ryzza’s newest photos next to eo, you’ll see the face card gap is in her favor.”
“HAHAHAHHAHA talagang sinabi niya agad na wag si Ryzza.”
“Her lowkey saying ayaw ko kay ryzza.”
In fairness, may mga nagsabi naman na maganda si Ryzza at may sarili siyang karisma at personality na nagpapalutang sa kanyang natural beauty.
“Huy! Mga bastos! Anong ibig nyong sabihin, hindi maganda si Ryzza? Napakalaki na ng iginanda nya no? Iba ang dating ng beauty nya and sure kami na hindi si RMD ang sinasabihan ni Ms. Kris,” ang reaksyon ng isang netizen.
Habang isinusulat ang balitang ito, hindi pa nagsasalita si Ryzza Mae hinggil sa pahayag ni Kris. Bukas ang BANDERA sa kanyang magiging reaksyon.
The post Hirit ng netizens, Ryzza Mae Dizon wala nang pag-asa kay Bimby dahil kay Kris? appeared first on Bandera.
