“YES, but I’m not healthy.” Iyan ang diretsong sagot ni Kris Aquino nang matanong kung may plano pa siyang pasukin ang mundo ng politika.
Isa ito sa mga isyung pinag-usapan sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” sa Queen of All Media kahapon, October 28.
Ayon sa TV host-actress, may posibilidad daw na magsilbi rin siya sa sambayanang Pilipino kapag bumuti ang kundisyon ng kanyang kalusugan.
Matagal nang inaabangan ng madlang pipol ang pagsabak ni Kris sa politika tulad ng kanyang mga magulang na sina dating Sen. Ninoy Aquino at former President Cory Aquino at ng kapatid na si dating Pangulong Noynoy Aquino.
Ngunit sa paglipas ng panahon ay never ngang tumakbo si Kris sa kahit anong posisyon.
Ayon kay Kris, “My dad had always… parang ‘yun ‘yung akala ng dad ko na para sa akin, but we need a miracle.”
Sakali man daw na papasukin niya ang public service nais niyang magsilbi sa Department of Health (DOH).
“Kasi sa experience ko, Boy. And alam nilang hindi ako magnanakaw. And yung mapababa lang ang cost ng gamot ang laking bagay na. And maybe by not taxing the importation of medicine so high, we can already so affordable.
Baka Bet Mo: Kris Aquino kay Kuya Josh: 98% of the Philippines stood with you“More than just PhilHealth sana meron talagang for the younger generation, because we’re such a young country, na sana umpisahan with correct nutrition para the parents will send the kids to school kasi may libreng lunch, tapos may pa gatas, and you’ll get smarter kids if they really get the right nutrition,” paliwanag ni Kris.
Samantala, nabanggit naman ni Tito Boy ang kanyang pagsisisi na hindi niya tinanggap ang paglilingkod sa administrasyon ni P-Noy.
“May sagot ako diyan. In hindsight, if only I said yes also to Noy when they were thinking of putting me somewhere in the Department of Tourism, in the future, if I were offered to serve the country, not in an elective post, but in an appointed post like the DOT, ikaw DOH, nangarap lang naman yung dalawa, gagawin ko talaga, Krissy,” sabi ng King of Talk.
Reaksiyon naman ni Kris, “I feel kasi Boy talaga na dapat ang mga na-a-appoint, yung alam ng taong may naitabing pera na. Wala po akong sinasabi at pinariringgan ngayon, but I would think, we deserve honest public servants.”
The post Kris Aquino sa mundo ng politika: We deserve honest public servants appeared first on Bandera.
