Charo Santos ibinandera 71st birthday: Tuloy lang ang TikTok!

Charo Santos ibinandera 71st birthday: Tuloy lang ang TikTok!

Charo Santos

PROUD na proud ang award-winning actress at movie icon na si Charo Santos sa kanyang edad ngayon.

Ibinandera pa ng veteran star sa social media ang kanyang mensahe para sa pagdiriwang niya ng 71st birthday nitong nagdaang Tuesday, October 27.

Sa TikTok, nag-upload ng video si Ms. Charo at nakisakay din sa nauuso ngayong birthday trend kung saan ibinahagi niya ang nararamdamang kaligayahan ngayong 71 years old na siya.

“THIS BIRTHDAY IS GIVING… a grateful heart and the joy of growing through life,” ang caption ng aktres sa kanyang post.

Pagpapatuloy niya, “Thankful for another year, for the people who make life meaningful, and for the chance to keep learning and growing.”

At sa edad daw niya ngayon, nararamdaman at naniniwala siyang marami pa siyang magagawa at maise-share sa madlang pipol.

“Not counting the years but making every year count. And with so much still to look forward to, I’m happy to see where life takes me next. But in the meantime, tuloy lang ang TikTok!” hirit pa ni Charo Santos.

Baka Bet Mo: Charo Santos, Annette Gozon-Valdes ginulat mga netizen, kumasa sa TikTok trend!

Noong October 22, nagdiwang din si Charo ng kaarawan kasabay ng award-winning director and former ABS-CBN Film Productions Managing Director na si Olivia Lamasan.

Nag-post si Charo sa Instagram ng mga photo at video na kuha sa kanilang joint birthday celebration, na dinaluhan ng kanilang family and friends.

“Happy birthday, Direk Olive! Always a joy to celebrate with you and share good food, stories, and laughter with dear friends. Here’s to making more time for each other, beyond the busy days and work schedules,” ang pagbati ng aktres kay Direk Olive.

Kamakailan, tumanggap naman si Ms. Charo ng Dekada Award for Best Actress sa Golden Screen Awards para sa performance niya sa “Kun Maupay Man It Panahon.”

“50 years in this industry… and life still finds beautiful ways to surprise me. Honoured to be a Dekada Awardee for Best Actress for Kun Maupay Man It Panahon, presented by the Multimedia Press Society of the Philippines,” ang post ng aktres sa social media kalakip ang litrato ng kanyang tropeo.

The post Charo Santos ibinandera 71st birthday: Tuloy lang ang TikTok! appeared first on Bandera.

Source link