Herlene Budol sa love story nila ni Kevin Dasom: Dare lang nu’ng una

Herlene Budol sa love story nila ni Kevin Dasom: Dare lang nu’ng una

Herlene Budol at Kevin Dasom

“MAYABANG” ang first impression ng Kapuso actress at beauty queen na si Herlene Budol sa kanyang boyfriend na si Kevin Dasom.

Inalala ng Kapuso celebrity couple kung paano sila unang nagkakilala at anu-ano ba ang naging unang impresyon nila sa isa’t isa.

Nagsimula raw ang lahat sa audition ng pinagtambalan nilang GMA afternoon series na “Binibining Marikit”.

Sa guesting nila sa GTV talk show na “Chika Cart”, kinumpirma ng Thai-Irish model-actor at Manhunt International 2024 titleholder na naging daan ang “Binibining Marikit” para magkakilala sila.

“Sa Binibining Marikit, sa may audition,” ang unang sey ni Herlene. Na sinang-ayunan nga ni Kevin, “The screen test, the last screen test.”

Wala raw silang na-feel na attraction agad para sa isa’t isa nu’ng first encounter nila lalo na si Kevin na naka-focus lang that time sa kanyang audition.

“There wasn’t a real emotional perception or connection at first. It was just I go to the screen test and I leave, that was it,” sey ng hunk model-actor.

Inamin naman ni Herlene na tila may “yabang” factor daw si Kevin that time dahil hindi raw ito palabati sa set noong araw na iyon.

Baka Bet Mo: Herlene Budol inalok ng P150k ni ‘Gov’ para makipag-one night stand

“Kasi parang wala man lang siyang binabati na, ‘Huy, hello po, kumusta po kayong lahat d’yan,’” birong chika ng aktres.

Kuwento pa ng dalaga, parang dare lang sa kanya ng mga kasamahan ang pakikipag-close niya sa aktor.

“It’s not fall agad. Dare lang ‘yon nu’ng una. Parang na-dare ako na, ‘Kaya mo bang awrahan si Kevin?’” sey pa ng Kapuso star.

Pag-amin naman ni Kevin, unti-unting na-develop ang feelings niya kay Herlene nang magsimula na silang lumabas-labas after work hanggang sa makilala na rin niya pati ang family ng dalaga.

“When I fell for you, it’s when we hung out together a lot outside of work. I met your family and I saw the ins and outs of all your relationships and how you do things.

“I was the one who made the official first move,” lahad ni Kevin.

The post Herlene Budol sa love story nila ni Kevin Dasom: Dare lang nu’ng una appeared first on Bandera.

Source link