KAKAIBA ang naging atake ng blockbuster director na si Darryl Yap sa kauna-unahan niyang horror movie, ang “VHS (Viva Horror Stories).
Napanood na namin ang pelikula sa naganap na Black Carpet Premiere ng “VHS Human is Horror” the other day, October 26, sa SM Megamall Cinema 2.
In fairness, maraming gulat at sigaw factor ang first horror-suspense trilogy ni Direk Darryl, at talagang mapapasigaw ka sa mga eksenang hindi mo expected na mangyayari.
Tatlong episode ng “VHS” ang mananakot at maninindak sa mga manonood kung saan siniguro ni Direk Darryl na magkakaroon ng kanya-kanyang tatak at marka sa viewers.
Ang unang kuwento ay ang “Dasal” kung saan ipinakikita ang magulo at mabilis na takbo ng makabagong panahon. Pinagbibidahan ito ng aktres at social media personality na si Sachzna Laparan.
Sa gitna ng nagmamadaling galaw ng mga tao sa simbahan at mga lansangan ng lungsod, ramdam sa “Dasal” ang reyalidad ng kasalukuyang henerasyon.
View this post on Instagram
Sumasalamin ito sa mabilis na pamumuhay at unti-unting pagkamanhid ng damdamin sa kultura ng mga kabataan ngayon, kung saan kayang lampasan ng isang tao ang isang matandang babaeng naghihingalo nang hindi man lamang tumitigil upang tumulong, habang suot ang kanyang AirPods.
Ang second story ay ang “Spoiled” starring McCoy de Leon and Ella Guevarra. Pinalakpakan ng audience si McCoy dito dahil sa napakagaling niyang performance.
Baka Bet Mo: McCoy de Leon umalma sa isyu kina Elisse Joson, Sachzna Laparan
Nakakaloka ang istilong ginamit dito ni Direk Darryl na nagpapaalala sa mga Mexicanovela noong dekada ’90. Sigurado kaming ikagugulat n’yo ang plot twist sa ending ng “love story” nina Ella at McCoy.
Sa last episode na “Hiling” na pinagbibidahan nina Kit Thompson at Sarah Lahbati na gumaganap bilang celebrity couple na nagkaroon ng anak na mukhang halimaw ang itsura.
Dito pinagsama naman ni Direk Darryl ang formula ng family drama at horror kung saan mararamdaman mo ang tensiyon, kaba at takot habang inaabangan mo ang mga susunod na eksena.
Yun nga lang, parang nabitin kami sa “VHS”, halos lahat ng nasa premiere night ay naghihintay pa ng “more” lalo na sa ending ng “Hiling” episode kung saan binalikan nina Sarah at Kit ang lugar kung saan pinatay ang kanilang panganay na anak.
Pero feeling namin, talagang sinadya ni Direk Darryl na bitinin ang mga manonood para magkaroon ng conversation after the movie – kung ano ang posibleng mangyari kina Sarah at Kit at sa kanilang mga anak.
Kung ang ine-expect n’yo sa “VHS” ay ang mga nakasanayan n’yo nang kapre, white lady o mga taong sinasaniban, wala niyan sa “VHS” dahil sabi nga ni Direk Darryl, this is not the typical Pinoy horror “because it dares to look into the most terrifying mirror of all — human nature.”
Kaya watch na kayo ng “VHS”, showing na ito ngayon sa mga sinehan mula sa Viva Films at Vincentiments.
Ito ang kaisa-isang Filipino film na entry na “Sine Sindak: The 7th Cycle” horror film festival ngayong Holloween. At P100 lamang ang presyo ng ticket para sa naturang filmfest.
The post 3 kuwento ng ‘VHS’ ni Darryl Yap ‘not your typical Pinoy horror’ appeared first on Bandera.
