PUMUTOK ang eardrum ng aktres na si Andrea Brillantes nang sumisid sa karagatan kasama ang mga butanding.
Nangyari ito sa shooting ng bagong pelikula ng dalaga sa Oslob, Cebu kung saan kinailangan niyang mag-dive sa spot kung saan naroon ang mga dambuhalang whale shark para sa isang eksena.
Kinailangan daw ng dalaga na sumisid sa mas malalim na bahagi ng dagat para maabot ang mga butanding.
At habang kinukunan ang naturang eksena, nakaranas daw ng matinding sakit sa tenga hanggang sa pumutok na nga ang kanyang eardrum.
Certified diver si Andrea pero aminado ang aktres na hindi biro ang pinagdaanan niyang challenge habang lumalangoy sa ilalim ng dagat.
View this post on Instagram
“Medyo nakakatakot yung time na ’yon kasi kailangan kong abutin yung mga butanding and minsan, may malalaking butanding na ang lalim.
“Basta ang daming complications pero pinush ko pa rin. Hanggang sa naramdaman ko talagang pumutok yung tenga ko,” ang chika ni Andrea sa panayam ng media.
Baka Bet Mo: Andrea Brillantes handa nang magpaka-daring, Pankie hindi nakikialam
Dahil sa nangyari, agad daw na umahon sa tubig ang aktres at pagkatapos ay nakaranas din siya ng pagdurugo ng ilong.
“Ang mahirap pa du’n, kailangan naka-float lang ako, tapos kailangan wala akong goggles,” chika pa ng aktres.
Bumilib naman kay Andrea ang mga kasamahan niya sa trabaho dahil ipinagpatuloy pa rin niya ang eksena sa kabila ng naranasang aberya.
The post Andrea Brillantes pumutok eardrum nang sisirin mga butanding appeared first on Bandera.
