IN FAIRNESS, maingay ang pagsisimula ng “Pinoy Big Brother Collab 3.0” nitong nagdaang weekend sa ABS-CBN at GMA 7.
Bongga ang naganap na premiere ng bagong edisyon ng “PBB” noong Oktubre 24, kung saan ipinakilala ang 16 housemates na sasabak sa mga bagong hamon ni Big Brother.
Matapos ang matagumpay na housewarming noong Oktubre 20, isang bagong season ang hatid ng “Pinoy Big Brother” sa panibagong yugto ng programa.
Kanya-kanyang suporta ang mga fans ng bagong batch ng housemates sa pamamagitan ng pagpapa-trend sa kanilang mga pangalan sa social media.
Nagsimula ang pagbubukas ng programa sa pagpapakita ng bagong interior ng bahay ni Kuya, na sinundan ng isang bonggang production number nina Carmelle Collado, Heath Jornales, at Will Ashley.
Kinanta nila ang original theme song ng iconic reality show ng Kapamilya Network na “Pinoy Ako.”
Nakiisa rin sa pagtatanghal ang mga Big Winner ng “PBB Collab 2.0” na sina Caprice Cayetano at Lella Ford.
Kasunod nito, inanunsyo ang isang malaking twist ngayong season. Ang mga housemate ay binubuo ng mga sumali sa online auditions at mga celebrity na inimbitahang mag-audition.
View this post on Instagram
Sinundan ito ng engrandeng pagpapakilala sa unang 16 na opisyal housemates. Sa pagtanggap sa kanila ni Big Brother, inanunsyo rin kung sino ang mapapabilang sa grupong Kapuso at Kapamilya.
Narito ang mga Kapuso housemates:
Anthony Constantino — Ang Total Dream Heartthrob ng USA
Bela Arcal — Ang Overseas Factory Senpai ng Cavite
Ethan Benares — Ang Sporty Palangga ng Bacolod
Lans Nagal — Ang VetMed Content Creator ng Cavite
Mikee Quintos — Ang Independent Archi-tista ng Manila
Nicole Fortuna — Ang Pretty Dependable Ate ng Bohol
Raheel Bhyria — Ang Brusko Boksingero ng Las Piñas
Winwyn Marquez — Ang Reyna Mama ng Parañaque
Samantala, narito naman ang mga Kapamilya housemates:
Calix Esguerra — Ang Rampanalong Apo ng Pampanga
Cianne Dominguez — Ang Madlang Babe ng Antipolo
Gehlee — Ang Darling K-Pop Idol ng Las Piñas
Jeo Ong — Ang Adventure Boy-Next-Door ng Palawan
Nathan Garcia — Ang Hustling Swag Stunner ng Cebu
Primo Alterado — Ang Kwelang Creator ng Taguig
Robbie Jaworski — Ang Dedicated Son ng Pasig
Shea Valerio — Ang Miss Ma-Beauting Anak ng Rizal
Inanunsyo rin kalaunan na may mga karagdagang housemates na ipakikilala sa mga susunod na linggo.
Bukod kina Bianca Gonzalez, Robi Domingo, Melai Cantiveros, Enchong Dee, Alexa Ilacad, at Gabbi Garcia, nadagdag din sa Pamilya ni Kuya ang Kapuso at Sparkle artist na si Michael Sager.
Mapapanood ang “Pinoy Big Brother Collab 3.0” sa GMA Prime tuwing Lunes hanggang Biyernes, 9:35 p.m.; Sabado, 6:15 p.m.; at Linggo, 4:55 ng hapon.
Mapapanood din ang All-Access Livestream araw-araw sa pamamagitan ng iWant, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-12 ng hatinggabi.
The post MAG-INGAY! PBB Collab 3.0 housemates kanya-kanyang paandar at eksena appeared first on Bandera.
