AGAW-EKSENA si Mavy Legaspi sa premiere night ng “Red Crown” kagabi, Lunes, Oktubre 26 dahil binigyan niya ng malaking pumpon ng bulaklak ang girlfriend niyang si Ashley Ortega na isa sa bida ng pelikula.
Kaya naman abut-abot ang kantiyaw kay Ashley ng co-actors niya ng, “May nanalo na, tapos na” na may kinalaman sa kuwento ng “Red Crown” dahil beauty contest ito at ginampanan ng dalaga ang karakter na Nora Agustin from the province of Pangasinan.
Curious nga kami kung may part 2 ang pelikulang idinirek ni Dominic Zapata dahil si Ashley ang last frame at si Epy Quizon na isa sa huradong ini-execute ang beauty queens.
Baka Bet Mo: Mavy Legaspi wapakels sa chikang tsinugi na bilang host ng PBB!?
View this post on Instagram
Going back to Ashley ay puring-puri niya ang boyfriend niyang si Mavy dahil, “He’s very caring, very thoughtful, very generous.”
Looking forward nga ang dalaga tuwing may okasyon dahil laging may paandar na regalo ang dyowa tulad ngsayong araw, Martes Oktubre 27 ay anniversary nila at hindi pa niya alam (base sa kausap namin kagabi) kung paano nila ise-celebrate ni Mavy ang dalawang taon nilang anibersaryo.
“Bongga kasi siya magpa-gift, ‘yun talaga ang inaabang-abangan ko, ha, ha, ha. Actually ‘yung time niya, ha, ha, ha masyadong showbiz (sagot),” masayang sabi ni Ashley.
Isa pang rebelasyon ay pagsapit ng Pasko dahil Disyembre 26 ang kaarawan ng aktres ay dalawa ang regalo ng boyfriend.
“Magkasunod kasi birthday ko (December 26) and everytime laging dalawa ang gift niya, nasanay kasi ako na isang gift lang ibinibigay ng mga tao, pero siya (Mavy) separate ‘yung Christmas at birthday gift,” sambit ni Ashley.
Sobrang supportive na boyfriend ni Mavy dahil bukod sa taunang selebrasyon ay may monthly celebration din sila at ilang beses itong naantala sabi ng aktor dahil sa shooting ni Ashley ng Red Crown.
Say ng dalaga, “hindi pa kami nagso-shoot na-pitch palang at sinabi ko na sa kanya and he’s excited for me, he supported me physically kasi nu’ng time na nalaman ko holiday ‘yun, Christmas so medyo malaman-laman ako, e, kailangan kong magbalik alindog (beauty queen contestant siya), and sinamahan niya ako, sabay kami sa fitness journey kaya heto pareho kaming nag loose ng weight,” kuwento ng dalaga.
Sa tanong kung papayagan ni Mavy na pasukin ni Ashley ang beauty contest, “whatever is in heart, will support her, kahit ano pa ‘yan.”
May mga negosyo na ngayon si Mavy at nakabili ng properties na sab inga ni Ashley, papunta na sa adulting, kaya ang tanong ay napag-uusapan na ang kasal.
“Ay wala pa, wala pa talaga,” mabilis na sagot ng aktres.
Pero si Mavy ay pinaghahandaan naman daw talaga ang future nil ani Ashley, “siyempre doon na rin papunta ‘yun.”
Nagulat ang dalaga sa on the spot na sagot ng dyowa, “ay.. tara nood na tayo ng Red Crown, may mga iba pang kandidato, oh, interview-hin n’yo rin.”
Anyway, bukod kay Ashley ay kasama rin sina Ruffa Gutierrez, Bianca Manalo, Alethea Ambrosio, Yza Thalia Uy, Yna Angela Uy, Tarah Valencia, Yana Aduana, Haley Dizon, MJ Encabo, Vanessa Peña, Aira Lopez, Gazini Ganados, Ahtisa Manalo, MJ Lastimosa, Ara Arida, Rein Hillary, Michelle Dee, AZ Martinez, Faith da Silva, Jade Tecson, Sandy Riccio, Shuvee Etrata, Ashley Ortega, Herlene Budol, Maika Kemmochi, Skye Chua, Pinky Tobiano, Cat Arambulo, Anna Magkawas at si Tim Yap ang host ng pageant nigh produced ng GMA Pictures at O Games na mapapanood na ngayong araw, Miyerkoles, Oktubre 28 sa mga sinehan
The post Mavy Legaspi pasabog, may pa-bouquet kay Ashley Ortega: Bongga! appeared first on Bandera.
