MUKHANG kumpirmado na nga ang pagbubuntis ng Kapamilya actress na si Kim Chiu.
Base sa “Showbiz Update” ni Ogie Diaz, isang source ang nag-ispluk sa kanyang trulili talaga na preggy ang aktres.
“Sabi naman ng source ko, may katotohanan ang tsika na buntis si Kim Chiu,” saad ni Ogie.
Aniya, bago matapos ang taon ay aamin na raw ito sa madlang pipol.
Baka Bet Mo: Kim Chiu may pinirmahang ‘NDA’, bawal magsalita sa buntis isyu?!
View this post on Instagram
Chika ni Ogie, “Tapos, eh baka raw this December ay umamin na raw ang dalawa na ‘yun nga, ‘yung tungkol sa pagbubuntis daw ni Kim Chiu.”
Hindi na rin daw kasi maitago ang pagiging preggy ng “It’s Showtime” host.
Bukod pa rito, kailangan rin kasing mag-promote nina Kim at Paulo ng kanilang pelikula na “A Perfect Marriage” na isa sa mga Metro Manila Film Festival movie entry ngayong taon.
Kaya naman kinakailangan na ring sabihin ang totoo para makapag-promote.
Chika pa ng source ni Ogie, five months na raw ang ipinagbubuntis ni Kim at sa February ito manganganak.
Mukhang magandang balita ito para sa mga nagmamahal sa KimPau kung totoo man ang mga chikang nakarating kay Ogie.
Samantala, hindi rin nakadalo si Kim sa naging opening ng kanilang shop ng kanyang negosyo sa Davao kamakailan.
The post Kim Chiu totoong buntis, sey ng source ni Ogie Diaz; aamin sa December? appeared first on Bandera.
