Hev Abi nag-perform sa loob ng kulungan, netizens nag-react

Hev Abi nag-perform sa loob ng kulungan, netizens nag-react

BUMANDERA ang OPM artist at rapper na si Hev Abi sa isang performance para sa National Correctional Consciousness Week (NACOCOW) 2026 sa loob ng Quezon City Jail.

Sa isang Facebook post ng BJMP Quezon City Jail – Male Dormitory nitong Lunes, October 26, nagbahagi sila ng ilang video clips mula sa naturang event.

Sa naturang performance ay kinanta ni Hev Abi ang sariling kanta na “Babaero” at “Alam Mo Ba Girl”.

Para sa mga hindi aware, hina-highlight sa naturang selebrasyon ang mga talento ng mga persons deprived of liberty (PDLs).

Baka Bet Mo: Hev Abi inaresto ng QCPD dahil sa illegal possession of firearms

Agad ngang umani ng samu’t-saring komento mula sa madlang netizens ang naturang performance ni Hev Abi.

” Ayaw na kitang pakawalan.

  Ayaw ka nilang pakawalan,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Kaya pala nag pa kulong si hev, may concert pala siya sa loob.”

“Swerte ng mga naka bilango naka premium HAHAHAH,” hirit naman ng isa.

Matatandaang noong April 2026 nang maaresto ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) si Hev Abi dahil sa umano’y illegal possession of firearms.

Bukod pa rito, nakitaan din ang rapper ng cocaine at liquid marijuana sa kanyang pamamahay.

The post Hev Abi nag-perform sa loob ng kulungan, netizens nag-react appeared first on Bandera.

Source link