NAGLABAS na ng public apology ang social media personality na si Xian Gaza kay Asia’s Multimedia Star Alden Richards.
Sa kanyang Facebook page, nag-post ng mahabang mensahe si Gaza at diretsahang humingi ng paumanhin sa Kapuso superstar.
Ito’y matapos niyang akusahan ng kung anu-anong malisyosong chika si Alden, kabilang na ang umano’y paggamit ng condo unit na hindi kanya at pagnanakaw ng mga mamahaling relo.
Nakatikim ng kaliwa’t kanang batikos at pambebengga si Gaza mula sa mga taong nagmamahal at sumusuporta kay Alden.
At kasunod nga nito, naglabas ng official statement ang tinaguriang Pambansang Marites hinggil sa isyu.
“Gusto ko lang humingi ng sorry kay Alden because I went too low for the past few weeks. Pinagdiskitahan ko yung kasarian niya. Argumentum ad hominem. Character assassination. Maling-mali.
“Dapat nag-focus lang ako doon sa issue ng condo, relo at mga pagyayabang niya sa mga bagay na hindi naman kanya.
“Ang nasa isip ko kasi eh kapag binanatan ko yung gender niya eh makaka-attract ako ng mas matinding clout and engagement which is my primary goal.
“Kinain ako ng social media. Narealize ko lang yung pagkakamali ko after kong pumartEE at magbisyo for the last 48 hours. Na-rewire yung utak ko at bumalik sa tamang hulog,” ang simulang pagbabahagi ni Gaza.
Baka Bet Mo: Alden Richards: Sabihin n’yo nang mayabang ako…I’m a good person
Pagpapatuloy pa niya, “In every war, there are rules of engagement to follow. Hence, war crimes exist. Same same with social media feuds. May mga bagay ka na dapat iwasan upang hindi mapawalang-saysay yung buong ipinaglalaban mo.
“Also, I just want to apologize doon sa road manager ni Alden. I went out of bounds. One of the rules of engagement with online drama is never involve private people.
“Hindi ako nag-isip ng tama. Na-overwhelm ako sa hype at nagpadala sa impulse na makapag-relay ng matinding pasabog sa bayan.
“Hindi ko man lang inisip yung magiging consequences sa buhay mo after this scandal. With that, I sincerely apologize. I’m wrong,” pag-amin pa ni Gaza sa nagawang pagkakamali.
Pero may gusto pa rin siyang panindigan, “Aside from those 2 regrets, wala akong babawiin. All the tsismis and rumors that I splooked were all verified and crosschecked from multiple sources na malalaking tao sa showbiz.
“I never said na wala kang pera. I know na kumikita ka ng malaki. It’s just that you tend to portray a life na mas malaki sa reality mo.
“Let’s say na kumikita ka ng 40M per year, does it mean na bawal ka ng manghiram ng penthouse condo at manghiram ng relo?
“Pointing out na hindi mo yun magagawa just because malaki ang sinasahod mo is very irrational. It’s more of a bias towards you dahil napakalinis ng image na pino-portray mo sa publiko.
“The same way kung paano mo kami nadala sa AlDub craze noon and we later found out na forda show lang pala ang lahat.
“Ako, I’m here for the money. I want money. I love money. Mukha akong pera. Hanapbuhay ko ‘to. If one day makahanap ako ng isang negosyo na magbibigay sa akin ng 20M per month, bakit pa ko makikisawsaw sa buhay ng mga artista?
“May God bless, Alden Richards.”
The post Xian Gaza nag-sorry kay Alden, na-realize na nagkamali after ‘magbisyo’ appeared first on Bandera.
