Actress-singer May Bayot pumanaw na, Lani Misalucha nagluluksa

Actress-singer May Bayot pumanaw na, Lani Misalucha nagluluksa

SUMAKABILANG-BUHAY na ang veteran theater actress-singer na si May Bayot-De Castro, kapatid ni Asia’s Nightingale Lani Misalucha.

Ibinahagi mismo ni Lani ang malungkot na balita sa publiko sa pamamagitan ng social media kagabi, October 26.

“Some walk beside us for years. Others leave sooner than we’re ready for. 

“But every person we love leaves a little light behind. I love you Ate,” ang mensahe ni Lani para sa namayapang kapatid na mababasa sa Facebook.

Baka Bet Mo: Mr. PH Culture and Arts ambassador Jacob Polintan pumanaw na

Si May Bayot-de Castro ang gumanap na original Elsa sa stage adaptation ng “Himala” noong 2003. 

Noong 2019, naging bahagi rin siya ng pelikulang “Himala: Isang Musikal” na naging entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF).

Nakasama rin siya si Bayot-De Castro sa mga pelikulang “Skin Deep” at “Rated:PG.”

Noong July, 2026, nanawagan pa si Lani Misalucha ng dasal para sa paggaling at recovery na kapatid matapos itong maospital dahil sa “serious complications.”

Kasunod nito, nag-post din ang isa pang kapatid ng yumaong aktres na si Karlyn Scali na sumasailalim ito sa gamutan matapos ma-diagnose ng “primary myelofibrosis”, isang uri ng bone marrow cancer.  

The post Actress-singer May Bayot pumanaw na, Lani Misalucha nagluluksa appeared first on Bandera.

Source link