NALUNGKOT nang bonggang-bongga ang aktor na si Eric Fructuoso nang umabot sa 220 lbs ang kanyang timbang.
Sa edad ng aktor ngayon na 49, kinakarir na niya ang pagkakaroon ng healthy lifestyle hindi lang para sa sarili kundi pa na rinbm sa kanyang pamilya.
Binalikan ni Eric ang kanyang fitness at weight loss journey sa panayam ng “Your Honor” podcast titled “In Aid of Hot Daddy: Kuwarentahing Guwaping.”
Sabi ni Eric sa mga host ng online show na sina Chariz Solomon at Buboy Villar, hindi naman siya na-insecure sa kanyang plus size na katawan.
“But sad para sa sarili, nalungkot ako sa sarili ko na: ano ba ang nangyari?
“Yung insecure, hindi e, kasi, hindi ako naging insecure sa looks ko, basically.
“Pero nalungkot ako nu’ng time na lumaki ako nang sobra. Siyempre, ‘di ba, isipin mo para kang Winnie the Pooh kahit ano suot mo, hanging,” pahayag ng aktor.
Baka Bet Mo: Eric Fructuoso ibinandera hunky body, umiwas sa walwalan, toxic people
Tumaba raw siya nang todo dahil, “Siyempre, hindi ka nag-e-exercise, kain ka nang kain. ‘Pag nag-iisip ka stress, kain ka nang kain. Aminin naman natin ang sarap kumain talaga.
“So, na-realize ko na nga ‘pag namimili ako ng damit, wala nang kasya, wala na akong size.
“Yung XXXL ang ganda nga, pero mukha kang ang laki-laki ng damit mo,” aniya.
June, 2025 nang mag-start siya sa kanyang balik-alindog program kung saan kinarir niya ang “peptides.”
Batay sa isang health website, “Peptides help promote weight loss by helping to regulate blood sugar levels, metabolism, and appetite.
“These medications may cause side effects, and people must have a prescription to take them.”
Ayon sa original mrmber ng grupong Guwapings, kumonsulta muna siya sa eksperto tungkok sa peptides.
“Hindi lang siya pampapayat, kumbaga ginagawa ka niyang healthy pala. Tapos ang goal was hindi pumayat, ang goal is ayusin mo kung ano ‘yung lab test mo.
“I need to talk to a doctor tapos ang taas nga nung mga results ko. ‘Tapos sabi, ‘Sige ang goal natin dito is pababain natin lahat ‘yan.’
“Tapos after doing the peptides bumabawas yung weight ko, nag-clear ‘yung mga matataas sa akin sa lab test. Nu’ng nag-clear dun ko nasabi maganda pala ‘to,” esplika pa ni Eric.
The post Eric Fructuoso sa size XXXL: Para kang Winnie the Pooh! appeared first on Bandera.
