Dani Zam nagpasiklab ng dance vibes sa ‘Light Me Up’ listening party!

Dani Zam nagpasiklab ng dance vibes sa ‘Light Me Up’ listening party!

PHOTO: Courtesy of Radical Music

PARA sa mga gabing gusto mo lang sumayaw at pansamantalang kalimutan ang mundo, may bagong kanta si Dani Zam na siguradong swak sa iyong playlist!

Ipinagdiwang ng singer-songwriter ang kanyang bagong single na “Light Me Up” sa pamamagitan ng intimate listening event na pinamagatang The Pre Game, na ginanap noong October 23 sa Open House World sa Makati City.

Hindi lang basta pakikinig sa bagong kanta ang ganap dahil sinabayan pa ito ng R&B vibes, cocktails, at DJ sets na nagbigay-buhay sa buong gabi.

Isa sa mga tampok ng event ang pagpapalabas ng “Light Me Up” visualizer.

Baka Bet Mo: KYLIX, JUNA, kyleaux, iba pa handang maghatid ng ‘Soul & Beats’ sa FIRST PLAY Live

<iframe width="560" height="315" src=" title="YouTube video player" frameborder="0" allow="accelerometer; autoplay; clipboard-write; encrypted-media; gyroscope; picture-in-picture; web-share" referrerpolicy="strict-origin-when-cross-origin" allowfullscreen></iframe>

Nagpasigla rin sa programa ang mga DJ set nina Jazz Zamora at Junoy Manalo, habang nag-enjoy ang mga bisita sa musika, mga inumin, at kwentuhan.

Pero ano nga ba ang mayroon sa “Light Me Up” at bakit bagay itong patugtugin sa mga gabing gusto mong kalimutan muna ang stress?

Ang “Light Me Up” ay isang upbeat at vibrant na kanta tungkol sa kakaibang hatak ng pag-ibig. 

Ito ‘yung pakiramdam na kapag nahulog ka nang todo sa isang tao, tila nawawala ang ingay ng mundo at ang taong nagpapakilig sa iyo na lang ang mahalaga.

Hindi man hango sa isang partikular na personal na karanasan ni Dani ang kanta, ginawa niya itong relatable sa sinumang nakaranas nang mawalan ng pakialam sa lahat dahil sa kilig.

Higit pa rito, nais ng singer-songwriter na magsilbing musical escape ang kanyang bagong single para sa mga tagapakinig na gustong pansamantalang bitawan ang stress at mag-enjoy sa dance floor.

<iframe src=" width="500" height="729" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share"></iframe>

Musically, pinagsasama ng “Light Me Up” ang dance at house pop na may malalim na R&B melodic foundation.

Kabilang sa mga naging inspirasyon ni Dani ang mga artist na Disclosure, XG, Tori Kelly, at Kaytranada, na makikita sa makulay at dynamic na tunog ng kanyang bagong release.

Para sa mga hindi aware, nagsimula ang music journey ni Dani sa 2021 EP na “EDEN,” na sinundan ng sophomore EP na “curfew,” na nagtatampok sa mga kantang “Beso” at “Moon.”

Nakapasok din ang ilan sa kanyang mga awitin sa major local at international editorial playlists, habang patuloy niyang pinalalawak ang kanyang karanasan bilang performer.

Sa ilalim ng management ng Radical Music, patuloy niyang isinusulong ang pangmatagalang layuning maihatid sa mas malaking audience ang mga bago at makapangyarihang boses mula sa musika.

Higit pa sa sariling career, hangad din ni Dani na makatulong sa pagpapatuloy ng legacy at pride ng Original Pilipino Music (OPM), partikular sa pagsusulong ng mga babaeng artist.

Nais din niyang gamitin ang kanyang platform upang suportahan ang mga adbokasiya para sa women’s education at health.

The post Dani Zam nagpasiklab ng dance vibes sa ‘Light Me Up’ listening party! appeared first on Bandera.

Source link